Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na Pagsisikap: Yakapin ang Buhay ng Puspusang-Pagtatrabaho, Buhay ng Mahusay na PagpapahingaHalimbawa

Holy Hustle: Embrace A Work-Hard, Rest-Well Life

ARAW 3 NG 10

May mga laruang Lego sa buong bahay namin. Ang aming koleksyon ay nagsimula sa ilang mga piraso lamang isang Pasko, at ngayon ay may napakarami na naming sisidlan na puno ng maliliit at makukulay na bloke. Habang binubuo ito ng anak kong babae, ang malalaking piraso ng Lego ang una niyang ginagamit. Sila ang nagsisimula ng plataporma, ang tumatabon sa daan-daang maliliit na lalagyang puno ng halos hindi makitang parte, kinakailangan at tamang-tama para sa kanilang layunin.

Kung minsan, wala na akong gustong iba pa kundi maging, tulad ng malalaking piraso ng Lego, ang matatag at malinaw na pipiliin. Ngunit ang mas malalaki at mas maringal na mga piraso ng Lego ay wala na rin halos ipinagkaiba kapag ang buong itinatayo ay natapos na, hindi tulad ng iyong inaakala. Habang pinupulot ko ang mga kabayo at maliliit na hugis, maliliit na parkupino, at nagkikislapang piraso ng niyebe, napagtanto kong minsan ang pinakamaliit na piraso ng kabuuan ang nagkakaroon ng pinakamalaking epekto.

Ang maliliit na piraso ng malinaw na plastik, halos hindi na makita, ay siyang ginagawang magagandang bintana.

Ang nagkikislapang maliliit na tuldok ang nagdadagdag ng pampaganda sa mga bubong at mesa.

Ang mga ilong na gawa sa karot ang bumubuo sa mga snowman, at ang maliliit na ice skates ang nagpapaganda sa kanilang maliliit na paa.

Madalas, ako ang tuldik na gumaganap ng isang maliit na papel. Ang tahimik na natatabunan ng mas-malaki-pa-sa-buhay na mga personalidad. Ang nag-iisip na madaling palitan o hindi kinakailangan para sa isang natapos na produkto—magandang magkaroon ka nito, ngunit hindi "kinakailangan". Ngunit napakamapagkaloob ng Diyos upang lumikha ng katawan ni Cristo na tiyak at sinadyang kakailanganin ang bawat bahagi—gaano man kalaki o kaliit ito.

Pakiramdam mo ba ay ikaw ang isa sa maliliit at hindi napapansing bahagi ng isang pakete? Hindi ka pa rin ba sigurado na ang mukhang payak at ordinaryo at magulo ay maaaring maging bahagi ng isang gawain para sa banal na kaharian na ninanasa ng iyong pusong ialay sa mundo? Iniisip mo ba kung paano kang mananatili sa lugar kung saan ka tinawag ng Diyos kung hindi ka pa siguradong ang trabahong ibinigay sa iyo ay sapat na?

Ang iyong presensya at ang iyong layunin ay mahalaga. Maging tayo ang pinakamaringal na piraso sa bunton (tumutulong sa iba upang sila ay maging matatag!) o ang pinakamaliit na tuldik (maliwanag na kumikislap!), naluluwalhati natin ang Diyos kapag tayo ay nagkakaisa para sa Kanyang kaharian. Ikaw ay hindi maaaring palitan, tamang-tama ang kakayahan, at lubhang kailangan sa gawaing inihanda ng Diyos para sa iyo. Kay Cristo, kaya nating gawin ang higit pa sa ating iniisip.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Hustle: Embrace A Work-Hard, Rest-Well Life

Pagbabalanse. Ito ang hinahanap natin sa ating mga buhay habang naririnig natin ang sigaw ng "Mas pag-igihan mo pang magtrabaho" sa isang tenga, at bumubulong naman sa kabila ang "mas damihan mo ang pagpapahinga". Paano kung ang plano ng Diyos ay hindi lang basta ganoon? Pasukin ang banal na pagsusumikap—ang pamumuhay ng puspusang pagtatrabaho at maayos na pagpapahinga sa pamamaraang kapuri-puri sa Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Crystal Stine at ang Harvest House Publishers sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://www.harvesthousepublishers.com/books/holy-hustle-9780736972963