Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na Pagsisikap: Yakapin ang Buhay ng Puspusang-Pagtatrabaho, Buhay ng Mahusay na PagpapahingaHalimbawa

Holy Hustle: Embrace A Work-Hard, Rest-Well Life

ARAW 6 NG 10

Kung napanood mo ang pelikulang Monsters, Inc., alam mo ang ibig kong sabihin kapag sinabi kong ang paglalakbay na dinaanan ko ay tila ang pinakasukdulang eksena sa pelikulang iyon. Sina Mike, Sulley, at Boo ay nakabitin sa conveyor belt na puno ng libo-libong pinto. Ngunit hindi nila basta-basta maaaring buksan ang kahit aling pintuan. Ang pagpasok sa maling pinto ay maaaring magdala sa kanila sa isang bagyo ng niyebe o sa matinding init ng disyerto. Ang pagbubukas sa tamang pinto ay magdadala sa kanila sa kanilang tahanan. Kaya't buong lakas silang bumitin, habang nilalabanan ang kanilang kaaway na gusto silang magambala at malipol, hanggang sa marating nila ang nag-iisang pinto na batid nilang nangangahulugan ng kaligtasan at katiwasayan.

Binibigyan tayo ng internet ng kakayahang makita ang mga pintong binubuksan ng Diyos para sa mga tao sa buong mundo, at hindi natin nakikita ang nag-iisang pinto na gusto ng Diyos na hakbangan natin sa pamamagitan ng pananampalataya. Hindi para sa atin ang bawat pintuan. Hindi bawat pinto ay magdadala sa atin sa ating tahanan.

Higit sa sampung taon akong nasa napakahigpit na sitwasyon—sa aking pagtatapos sa kolehiyo, paghahanap ng trabaho upang matugunan ang mga pangangailangan, pag-aasawa, kumilos sa isang lubhang nakakapagod na bersyon ng kahulugan ng mundo sa paggawa, natanggal sa trabaho, nagkukumahog na makakuha ng susunod, nagsimula ng sariling negosyo, tinanggap ang isang posisyon sa ministeryo na matindi at kamangha-mangha at malungkot, nagbitiw sa tungkulin, at nagkukumahog na naman upang magsimula ng isang negosyo upang suportahan ang aking pamilya.

Napakarami kong oras na ginugol habang sinusubukan kong huwag tamaan ng mga nagsasaradong pinto kaya nawala ang kakayahan kong makita ang mga bukas na pintong inilalagay ng Diyos sa aking daraanan.

Habang nagsisimula akong matutunan kung paanong pakawalan ang nakababaliw na conveyor belt ng mga pagpipilian at umatras sa pagsusumikap, ipinakita sa akin ng Diyos ang isang kaisipang nagbago sa lahat. Naghahanap ako ng mga pintong makabubuti sa akin, kung saan magagamit ko nang lubos ang aking mga kakayahan, ang mga maringal na pinto na magdadala sa akin sa "mas malaki at mas mabuti." 

Sa mga panahong iyon ng makasariling pagpupunyagi, maaaring nagtatrabaho ako para sa aking sarili, ngunit tapat ang Diyos sa patuloy na paggawa sa akin. Ang mga aral na ating natututunan, ang mga pagsasanay na ating nakukuha, ang mga taong ating nakakasalamuha, at ang paglagong ating nararanasan ay maaari nating masabing mga pagpapala.Binigyan tayo ng Diyos ng malayang pagpapasya upang piliin ang mga pintong ating papasukin nang hindi nag-aalalang matatagpuan natin ang mga sarili nating nasa labas ng kalooban ng Diyos. Maaaring wala tayo sa ating perpektong propesyon, o gumagawa nang pakiramdam natin ay nakahanay sa ating pagkakatawag, ngunit sasalubungin tayo ng Diyos doon.  

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Hustle: Embrace A Work-Hard, Rest-Well Life

Pagbabalanse. Ito ang hinahanap natin sa ating mga buhay habang naririnig natin ang sigaw ng "Mas pag-igihan mo pang magtrabaho" sa isang tenga, at bumubulong naman sa kabila ang "mas damihan mo ang pagpapahinga". Paano kung ang plano ng Diyos ay hindi lang basta ganoon? Pasukin ang banal na pagsusumikap—ang pamumuhay ng puspusang pagtatrabaho at maayos na pagpapahinga sa pamamaraang kapuri-puri sa Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Crystal Stine at ang Harvest House Publishers sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://www.harvesthousepublishers.com/books/holy-hustle-9780736972963