Banal na Pagsisikap: Yakapin ang Buhay ng Puspusang-Pagtatrabaho, Buhay ng Mahusay na PagpapahingaHalimbawa
Maraming mga sandali sa buhay na pakiramdam natin ay nasa isang silid tayo kung saan lahat ng mga ilaw ay napundi na at nadadapa-dapa tayo habang hinahanap natin ang sindihan ng ilaw, ang kandila, o ang lente upang gabayan tayo sa ating paghakbang. Sa mga ganoong sandali, magtiwala sa Diyos. Hawakan nang mahigpit ang Kanyang nakalahad na kamay at maniwalang gagabayan ka Niya nang matiwasay sa susunod na pintong inihanda Niya para pasukin mo. Ang kadiliman ay hindi kailangang nakakatakot kapag kasama nating maglakad ang Liwanag ng Mundo.
Ngunit ang mga katanungang itinatanong mo sa iyong sarili ay marapat. Ang iyong mga takot at pag-aalala ay hindi kailangang maging dahilan ng iyong kahihiyan. Kung tayong lahat ay makakapag-usap nang sama-sama tungkol sa ating trabaho, sa ating mga kinahihiligan, at sa ating pananampalataya, magugulat ako kung may mga taong magsasabing ang kanilang buhay ay eksaktong-eksakto sa kanilang pagkakaplano. Anong sasabihin mo sa isang kaibigang may mga ganoong katanungan? Sasabihin mo ba sa kanyang tama siya, at marahil ay dapat ngang sumuko na lamang siya?
Sana naman ay hindi.
Mamahalin natin siya at mananalanging kasama siya. Hihikayatin natin siya at hahanap tayo ng mga paraan upang sabihin sa kanyang mabuti ang kanyang ginagawa, at ito ay marapat, at mahalaga, at kung batid niya sa kanyang espiritu na dito siya ninanais ng Diyos sa panahong ito, hindi ito pagkakamali.
Sasabihin ko sa iyo nang buong katatagan na naniniwala akong ang ginagawa ng Diyos ay ang pagkuha sa mapagpakumbaba at ginagawa itong banal, at ang pagsunod (hindi ang laki, kasikatan, o ang pagkilala) ang mahalaga sa epektong nagagawa natin sa ating pangkahariang gawain.
Ang Diyos ay tapat sa lahat ng Kanyang ginagawa. Kung saan ka naroon, anong iyong ginagawa, at ang mga taong nasa harapan mo na hiningi ng Diyos na paglingkuran mo ay hindi pagkakamali. Ang mga hamon, mga pagkabigo, at mga pagkukulang ay hindi pagkakamali.
Gagamitin ng Diyos ang bawa piraso ng ating kuwento upang pagliwanagin ang Kanyang kaluwalhatian.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Pagbabalanse. Ito ang hinahanap natin sa ating mga buhay habang naririnig natin ang sigaw ng "Mas pag-igihan mo pang magtrabaho" sa isang tenga, at bumubulong naman sa kabila ang "mas damihan mo ang pagpapahinga". Paano kung ang plano ng Diyos ay hindi lang basta ganoon? Pasukin ang banal na pagsusumikap—ang pamumuhay ng puspusang pagtatrabaho at maayos na pagpapahinga sa pamamaraang kapuri-puri sa Diyos.
More