Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na Pagsisikap: Yakapin ang Buhay ng Puspusang-Pagtatrabaho, Buhay ng Mahusay na PagpapahingaHalimbawa

Holy Hustle: Embrace A Work-Hard, Rest-Well Life

ARAW 5 NG 10

Nabasa ko na ang kuwento ni Ruth sa Biblia nang maraming beses na, ngunit isang araw ng Linggo, may napansin akong bagay na hindi ko inaasahan. Hindi lang ginawa ni Ruth kung ano ang sapat upang makaraos sa buhay. Nagsumikap siya. Nagtrabaho nang husto, may respeto, nagpahinga kung kinakailangan, at tinapos ang gawaing ibinigay sa kanya. Nagtrabaho siya hanggang gabi, nanguha ng 26 kilong sebada upang suportahan ang kanyang pamilya. Pumasok siya sa trabaho, at isinagawa ng Diyos ang plano sa kanyang buhay na naging daan upang mapangasawa niya si Boaz at maging bahagi ng lipi ni Jesus.

Iyan ay banal na pagsusumikap. Hindi siya nagtrabaho para maging sikat o makilala. Mahirap ang pangunguha ng butil, gawaing masakit sa likod. Hindi ito madali, pampasikat o kahanga-hanga. Gawain ito na nangangailangan ng kababaang- loob. Ang trabaho ni Ruth ay mayroong dahilan at layunin, at naniniwala akong ganoon din ang ating mga trabaho.

Paano kaya kung tiningnan ni Ruth ang maliit na bahay na tinitirhan nila ni Naomi at itinuon ang isip niya sa mga bagay na wala sila at hindi sa mga bagay na kaya niyang ibigay? Paano kaya kung mas pinili ni Ruth ang trabahong magpaparamdam sa kanya na siya ay mahalaga sa halip na gawin ang trabahong magdadala sa kanya kung saan siya nais ng Diyos ilagay? Marahil hindi niya naranasan ang tag-ani at ang pagpapala na nais ibigay ng Diyos sa Kanya habang tinutubos Niya ang kanyang pamilya.

Maaring hindi madali na humayo at gawin ang mahirap na gawain na ipinapagawa sa atin ng Diyos. Marahil inatasan kang maglingkod sa isang lugar na hindi nagbibigay ng kapurihan sa Diyos, at tila isa kang dayuhan sa isang banyagang lupain. O kaya naman dinala ka ng Diyos sa bagong lugar, at ang iyong pangarap na gumawa ng kamangha-manghang gawain na magbibigay ng pagkilala at katanyagan sa iyo ay napalitan ng paglilingkod sa maliit na paraan. Marahil matapat kang nagsisilbi sa isang gawain na gusto mo ngunit nakakaramdaman ka ng pagkabigo dahil hindi mo nakikita ang bunga ng iyong gawain.

Sa panahong tumigil tayo sa pagpapakahirap at magsimulang maglingkod, magsisimula tayong magtiwala sa Diyos na anihin ang mga itinatanim natin nang tapat. Ang kabutihang dinadala mo sa iyong trabaho ang siya marahil magpapalapit sa isang tao sa Diyos. Ang pagmamahal na ipinapakita mo sa iba sa maliliit, tago, at tapat na pagkakataon ang siya marahil gagamitin ng Diyos upang mapalapit ang mga tao sa Kanya. At isang araw, matapos ang mga henerasyong nagdaan nang ikaw ay lumisan sa mundong ito, ang mga butil na iyong tinanim nang may pananampalataya ay maaaring maging dahilan upang maipalaganap ang napakagandang regalo na nais ibahagi ng Diyos sa mundo.

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Hustle: Embrace A Work-Hard, Rest-Well Life

Pagbabalanse. Ito ang hinahanap natin sa ating mga buhay habang naririnig natin ang sigaw ng "Mas pag-igihan mo pang magtrabaho" sa isang tenga, at bumubulong naman sa kabila ang "mas damihan mo ang pagpapahinga". Paano kung ang plano ng Diyos ay hindi lang basta ganoon? Pasukin ang banal na pagsusumikap—ang pamumuhay ng puspusang pagtatrabaho at maayos na pagpapahinga sa pamamaraang kapuri-puri sa Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Crystal Stine at ang Harvest House Publishers sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://www.harvesthousepublishers.com/books/holy-hustle-9780736972963