Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na Pagsisikap: Yakapin ang Buhay ng Puspusang-Pagtatrabaho, Buhay ng Mahusay na PagpapahingaHalimbawa

Holy Hustle: Embrace A Work-Hard, Rest-Well Life

ARAW 7 NG 10

Isang umaga ng Linggo, naupo kami sa mga natutuping upuan ng aming simbahang nasa gym, kung saan pinili naming dumalo sa may modernong paraan ng pagsamba kaysa sa karaniwang pagsamba na ginagawa sa santuwaryo. Mula sa pagpipiliang limang pagtitipon sa umaga, mahusay na ginagamit ng aming iglesia ang lugar, mga kagamitan at ang komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga tao ng iba't-ibang pagpipilian habang pinananatili ang pagsunod sa Salita ng Diyos sa lahat ng bahagi ng kanilang paglilingkod. Maaring nasa gym ka at may pastor na nakasuot ng pantalong maong ngunit malinaw mo pa ring maririnig na itinuturo ang ebanghelyo katulad ng pagtuturo na ginagawa sa santuwaryo ng pastor na nakasuot ng pormal na pantalon at kurbata.

Noong nakaraang Linggo, nakikinig ako at ang asawa ko ng isang mapangahas na turo tungkol sa pagkamapagbigay. Pagkatapos ng pagtitipon, tinanong kami kung ano ang gagawin namin kung makapulot kami ng $100— na malaya naming gastusin kung saan namin naisin. Ano ang higit na pangangailangan ng pamilya ko sa oras na iyon? Paano mababago ng $100 ang aming kalagayan? Nagbigay ng ilang saloobin ang mga nakikinig— ipapaayos nila ang kanilang bahay, bagong damit sa paaralan, pagkain para sa kamag-anak. Isang babae ang humihikbing nagbahagi ng saloobin niya. Gagamitin niya daw ang pera upang dalhin ang mga anak niya sa isang hotel na may palanguyan upang kahit ilang oras lamang ay magtawanan at makapaglaro ang mga ito at ilayo sa pang-aabuso at takot noong nakaraang gabi. Nakamamangha ang katapatan at kahinaang inihayag nito, at masakit sa damdamin.

Tinawag siya ng pastor sa harap, naglabas ng $100 mula sa kanyang pitaka at ibinigay ito sa kanya. Walang kahit anong kapalit. Umiiyak niyang sinabi, "Kailangang-kailangan ko ito. Kailangang-kailangan ko ito." Pinalibutan siya ng mga miyembro ng iglesia na nakaupo malapit sa kanya, isang pader ng panalangin at suporta ang unti-unting nabuo sa paligid niya habang umiiyak siya. Hindi ito nakaplano o inaasahan, ngunit isang matapang na hamon.

Gagawin mo ba ito? Gagamitin mo ba ang $100 upang pagpalain ang isang tao nang may karangalan at pag-ibig sa pamamagitan ng pagbibigay kung sinasabi ng Diyos na "Magbigay ka"? Kung ang pera ay nasa pitaka mo na o kailangan mo pa itong pag-ipunan sa loob ng anim na buwan, maaari bang magkasama nating madesisyunan na tanggapin ang hamon? Habang ginagawa natin ang gawaing bigay ng Diyos, maging mabuting katiwala tayo ng mga kaloob na ibinigay Niya at ipakita sa iba na ang banal na pagsunod ay kakaiba dahil mas pinapahalagahan natin ang mga tao kaysa sa pamamaraan.

Mahalaga ang pagpapakita ng kabutihan.

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Hustle: Embrace A Work-Hard, Rest-Well Life

Pagbabalanse. Ito ang hinahanap natin sa ating mga buhay habang naririnig natin ang sigaw ng "Mas pag-igihan mo pang magtrabaho" sa isang tenga, at bumubulong naman sa kabila ang "mas damihan mo ang pagpapahinga". Paano kung ang plano ng Diyos ay hindi lang basta ganoon? Pasukin ang banal na pagsusumikap—ang pamumuhay ng puspusang pagtatrabaho at maayos na pagpapahinga sa pamamaraang kapuri-puri sa Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Crystal Stine at ang Harvest House Publishers sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://www.harvesthousepublishers.com/books/holy-hustle-9780736972963