Huwag kang susukoHalimbawa
Araw 7—Nagtayo ng Pader si Nehemias
Nadama ni Nehemias na tinatawag siya ng Diyos upang muling itayo ang pader ng Jerusalem. Noong siya ay tinawag, siya ay nasa ibang bansa at nagtatrabaho para sa hari, lubhang malayo sa ninanais na gawin ng kanyang puso. Subalit, tanging Diyos lamang ang makakagawa nito, binuksan Niya ang lahat ng mga pintuan at binigyan ng daan si Nehemias na humakbang patungo sa kanyang pagkatawag.
Subalit, hindi madali ang ipinagagawa. Ang pader ay giba-giba. Ang bayan ng Israel ay nangalat. Ang oposisyon ay tiyak na darating. At tunay ngang dumating.
Narinig ng mga tao ang nais gawin ni Nehemias at hinangad na sumalungat sa kanyang gagawin. Siya ay kinutya, ginalit, at pinagbalakan ng masama. Ito ay lubhang napakasama kaya nagtalaga si Nehemias ng kalahati ng kanyang mga tauhan upang magbantay na may mga sandata kung sakaling ang kanyang mga kaaway ay mag-alsa. Ito ay magbibigay ng proteksyon, ngunit walang duda, dodoblehin ang oras na kinakailangan upang matapos ang pader.
Noong nabasa ko ang kuwento, narinig ko ang robot sa "Lost in Space," na nagsasabi, "Mapanganib, Will Robinson." Hindi ko alam sa iyo, ngunit maaring ako ay sumuko na. Ito ay napakalaking gawain, at kapag idinagdag pa ang posibleng panganib, na maaring ikabuwis ng iyong buhay, ang katiyakan ng iyong pagkatawag ay nararapat na hawakan nang malapit sa puso.
Sa kabila ng lahat, nagtiis si Nehemias. At hindi lamang siya ang nagtiis, kundi maging ang mga taong sumusunod sa kanyang pangunguna. Sinasabi ng talatang 6, “dahil masigasig ang mga tao sa pagtatrabaho.” Ito ay PAGKATAPOS ng mga banta—hindi bago. Ang masidhing pagnanasa at determinasyon ni Nehemias na matupad ang plano ng Diyos ay sinunod ng mga taong nagtatrabaho sa kanya. Ito ay isang mabisang halimbawa para sa namumuno na nanlulupaypay.
Ang nagbibigkis sa kanilang pagtitiis ay ang saloobing mapanalanginin. Sila ay dumaing sa Diyos. Sa katunayan, nanalangin sila bago gumawa ng anumang hakbang sa kanilang pagbabantay para sa kanilang proteksyon. Ang una nilang posisyon ay ang pananalangin—ang pinakamahalagang kilos na maaari nilang gawin. At nang sila ay nanalangin, kumilos ang Diyos. Ang Diyos ay tumugon at nagtanggol sa kanila.
Kinakailangang ilagay ang panalangin sa harap ng ating mga pagpupunyagi. Ito ay mag-uudyok, magpapaalala, at magtutuon sa layuning magtiis. Ang panalangin ay kailangan sa ating pagtitiis.
Nang ang pader ay tapos na, ang aklat ng Nehemias ay nagtapos sa paraan na ang mga karatig bayan ay napansin ang mga nangyari at iniugnay ito sa Diyos. Ang katapatan ni Nehemias ay hindi lamang nagpakita ng pagtatapos ng isang gawain, kundi ito ay lumuwalhati sa Diyos na hindi mangyayari kung siya ay sumuko.
Dalangin ko na ang 7-araw na paglalakbay na ito ay nagbigay sa inyo ng layunin na magpatuloy. Tandaan ang mga pangako ng DIyos at ang Kanyang katapatan. Alalahanin ang mga lalaki at babae sa Biblia na hindi sumuko habang ang mundo ay salungat sa kanila. Mapagtatagumpayan mo rin ang unos, aking kaibigan.
Kung ikaw ay naghahanap ng higit na pampatibay ng loob, magtungo sa aking website para sa maraming praktikal na paglalapat sa pakikibaka sa tunay na buhay http://www.brittanyrust.com.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nangyari na ba na ikaw ay lubhang napagod o talunan sa buhay at ninanais mong bumitiw at sumuko? Ang Biblia ay puno ng panghihikayat na magpursigi at magpatuloy! Ang 7-araw na babasahing gabay na ito ay magpapaginhawa sa iyong paglalakbay sa hinaharap.
More