Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Huwag kang susukoHalimbawa

Don't Give Up

ARAW 5 NG 7

Araw 5—Si Jose at ang Kanyang mga Panaginip

Si Jose ay isang tinedyer na may panaginip. Panaginip na nagpadagdag sa pagkamuhi ng kanyang mga kapatid bilang paboritong anak. Ito ay isang panaginip na isang araw ang kanyang pamilya ay yuyuko sa kanya.

Ang panaginip na iyon ay maaaring bumagsak nang pira-piraso dahil sa nangyari kay Jose. Pagkatapos ng mga taon ng pagkabigo, ang kanyang mga kapatid ay gumawa ng isang malupit na hakbang at ipinagbili siya sa pagkaalipin. Ang kanyang sariling mga kapatid ang nagsadlak sa kanya sa buhay ng pagkaalipin at paghihirap. Nakagapos bilang pag-aari ng iba, ang panaginip ni Jose ay maaaring nawala na noong mga panahong iyon.

Ngunit, hindi nawalan ng pag-asa si Jose sa kanyang pagkaalipin. Sa halip, siya ay gumawa ng abot ng kanyang makakaya mula sa kaloob sa kanya ng Diyos. Sa bahay ni Potifar, nagtrabaho siya nang mabuti at sumandal sa Diyos. Dahil doon, siya ay pinagpala ng Diyos. Dito siya itinaas upang mamahala sa sambahayan ni Potifar at pinagkatiwalaan siya sa lahat. Natutunan niya ang pamumuno, pagpapakumbaba, at paglilingkod sa gitna ng karimlan, patuloy na pinanghahawakan ang kanyang panaginip.

Si Jose ay nanatiling matapat nang lapitan ng asawa ni Potifar. Pinagbintangan niya si Jose na gusto siyang pagsamantalahan at si Jose ay itinapon sa kulungan. Ang tila parang hakbang na paatras ay tunay na hakbang na pasulong.

Sa kulungan, si Jose ay nakasumpong ng biyaya at hinirang bilang bantay na mamamahala sa mga bilanggo—muli, siya ay iniangat sa pamumuno. At dito sa kulungan nakatagpo niya ang punong tagapangasiwa ng inumin ng hari. Si Jose ay nagkaroon ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanyang panaginip, na naging mahalaga makalipas ang dalawang taon nang ang hari ay nagkaroon ng panaginip na kinakailangan ng paliwanag.

Nang ipinaliwanag ni Jose ang panaginip ng hari tungkol sa paparating na taggutom, siya ay itinaas bilang pangalawang tagapamahala sa buong Egipto. Ang kanyang panaginip ay nagkatotoo! 

Si Jose ay naharap sa mahihirap na sitwasyon na maaring ang nakararami ay sumuko na. Ngunit nanatili siyang matiyaga at ginagawa ang buong makakaya batay sa kung ano ang mayroon siya. Ang resulta, nakita niyang naging totoo ang kanyang panaginip at nakatulong sa libo-libo, kasama na ang kanyang sariling pamilya.

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Don't Give Up

Nangyari na ba na ikaw ay lubhang napagod o talunan sa buhay at ninanais mong bumitiw at sumuko? Ang Biblia ay puno ng panghihikayat na magpursigi at magpatuloy! Ang 7-araw na babasahing gabay na ito ay magpapaginhawa sa iyong paglalakbay sa hinaharap.

More

Nais naming pasalamatan si Brittany Rust sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.brittanyrust.com