Huwag kang susukoHalimbawa
Araw 2—Pagtukoy sa Iyong Pagkatao
Ang pagtitiis ay mayroong pambihirang kakayahan na magpadalisay sa iyo. Ito ay tila isang apoy na dumadaan sa pilak, inaalis ang dumi at pinalalakas ang iyong pagkatao. Ito ay sa dahilang ang pagtitiis ay kaakibat ng pagsubok at ang pagsubok ay maaaring makatupok.
Ang isa sa mga nakamamanghang resulta ng pagtitiis hanggang wakas ay ang halimbawang tulad ng kay Cristo. Ito ay nagpapabuti sa iyo sa pamamagitan ng pagtatanggal ng likas na kasalanan at paglilinang ng espiritu na mabait, mapagpakumbaba, matiyaga, at higit sa lahat, ang paglalagay kay Cristo na una sa lahat.
Ang Mga Taga-Roma 5 ay nagbabahagi ng plano para sa lakbaying ito. Hindi ito madali ngunit mahalaga sa bawat mananampalataya. Ito ay nagsisimula sa kapasyahan na magalak sa iyong paghihirap. Kung magagawa mo ito, mapagpapalagablab ang pagtitis at magbubunga ng tatag ng pagkatao.
Kung magagawa mo ang paglalakbay na ito, pinagtitibay ng Mga Taga-Roma ang tatag ng pagkatao. At hindi lamang dito. Ang Mga Taga-Filipos 1 ay nangako na kung tatakbuhin mo ang karera nang may pagtitiis hanggang sa huli, ang Diyos ang magkukumpleto ng mabuting gawa na sinimulan Niya noong ibinigay mo ang iyong puso sa Kanya.
Hindi mo masusumpungan ang kasakdalan sa ngayon, ngunit balang araw ay madadaanan mo ang iyong tahanan—na inihahanda ni Cristo—na kung saan ay matatagpuan mo ang kaganapan. Ikaw ay makakalakad, malaya sa kasalanan, sa kasaganaan ng orihinal na pagkalalang sa iyo ng Diyos.
Bagama't maaaring gusto mo nang sumuko ngayon, alalahanin na ang iyong pagtitiis ay maghahatid tungo sa mas mainam na bersiyon mo na mas nagiging kawangis ni Cristo sa pagdaan ng mga panahon.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nangyari na ba na ikaw ay lubhang napagod o talunan sa buhay at ninanais mong bumitiw at sumuko? Ang Biblia ay puno ng panghihikayat na magpursigi at magpatuloy! Ang 7-araw na babasahing gabay na ito ay magpapaginhawa sa iyong paglalakbay sa hinaharap.
More