Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Huwag kang susukoHalimbawa

Don't Give Up

ARAW 4 NG 7

Araw 4—Ang Gantimpala na Nasa Iyong Harapan

Walang mananakbong nakakatanggap ng medalya nang hindi tumatakbo sa takbuhin. Walang manlalaro ng football ang mananalo sa Superbowl kung walang maraming pagsasanay at mga laro na kasama ng pagkapanalo. Walang kusinero ang mananalo ng James Beard Award nang walang pagpapagal at determinasyon sa kusina. (Narito ang mahilig kumain!).

Ang punto ay, anuman at alinmang gantimpala ay may kaakibat na pagtitis. Tunay na ito ay nangangahulugan ng magagandang bagay dito sa lupa na bunga ng paghahanap muna sa Diyos. Ngunit, ang mas mahalaga kaysa anupamang pansamantalang gantimpala ay ang gantimpalang walang hanggan, at iyan ay iniaabot sa matapat na mananampalataya.

Hindi ka dapat sumuko kapag humaharap sa tukso at pagsubok. Huwag sumuko kung ikaw ay napapagal mula sa unos. Kahit na halos hindi mo na maiangat ang iyong ulo sa tubig, magpatuloy sa pagsagwan hanggang dumating ang tulong. Basta huwag kang susuko. Ang gantimpala na iyong makakamtan ay hindi kapani-paniwala!

Mayroong gantimpala na buhay na walang hanggan at katuparan ng pangako ng Diyos sa iyo kung tatakbo ka sa takbuhin nang may pagtitiyaga. Kung itutuon mo ang iyong mata kay Jesus at manatili sa pananampalataya, hindi mo pagsisisihan ang paglalagak ng lahat-lahat sa Diyos. Subalit, walang duda na pagsisisihan mo ang mga panahon na ikaw ay sumuko. Lagpasan ang linya ng tagumpay na may kapaguran mula sa pagbibigay ng lahat, ng iyong makakaya nang may buong kagalakan, kasabay ang pag-asa sa pangakong gantimpala ng Diyos.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Don't Give Up

Nangyari na ba na ikaw ay lubhang napagod o talunan sa buhay at ninanais mong bumitiw at sumuko? Ang Biblia ay puno ng panghihikayat na magpursigi at magpatuloy! Ang 7-araw na babasahing gabay na ito ay magpapaginhawa sa iyong paglalakbay sa hinaharap.

More

Nais naming pasalamatan si Brittany Rust sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.brittanyrust.com