Huwag kang susukoHalimbawa
Araw 3—Pagtitiyaga para sa Iba
Lubos na naunawaan ni Pablo ang kahirapan. Naranasan niya ang mabilanggo, mahagupit, masiraan ng barkong sinasakyan, magutom, makaramdam ng matinding pagod at higit pa para sa layon ni Cristo. Subalit, sa lahat ng ito, nagtiyaga siya. Siya ay patuloy na sumulong. Hindi lamang para kay Cristo—ginawa niya ito para sa ibang tao.
“Habang kami'y nabubuhay, lagi kaming nabibingit sa kamatayan alang-alang kay Jesus upang sa aming katawang may kamatayan ay mahayag ang kanyang buhay. At habang kami'y dahan-dahang namamatay, kayo nama'y nagkakaroon ng buhay..”
Batid ni Pablo na ang pagtitiis ng kahirapan ay magbubukas ng pagkakataon na maluwalhati si Cristo, na nagdulot ng kaligtasan sa marami. Ito ay totoo rin sa iyo at ang iyong paraan ng pamumuhay. Kung ikaw ay nagtiyaga sa panahon ng kahirapan, pinanghahawakan ng mahigpit ang mga bagay na totoo at marangal, mapapansin ito ng iba. Kapag nakikita nila kung paano mong dinadala ang iyong sarili sa panahon ng kadiliman, gusto nilang malaman ang higit pa.
Ang aking nakababatang kapatid na lalaki ay nagpakita ng pagtitiis sa mahirap na panahon ng kanyang buhay. Noong siya ay nasa mahigit na 20 taong gulang, siya at ang kanyang kasintahang babae ay nagtalik habang hindi pa sila kasal. Ito ay nagbunga ng pagdadalang-tao na kanilang nalaman isang araw bago mag-alok ng kasal ang aking kapatid. Nakagawa sila ng pagkakamali, ngunit hindi nila alam kung ano ang patutunguhan nito.
Di nagtagal matapos nilang malaman ang pagdadalang-tao ng kanyang kasintahang babae, nakipaghiwalay ito sa kanya at hindi na niya muling nakita hanggang sa magsilang ito ng anak na babae. Ito ay panahon ng matinding pighati para sa aking kapatid. Hindi lang nawala ang babaeng kanyang minahal, kundi hindi niya rin naranasan ang pagdating ng kanyang anak na babae dito sa mundo.
Ang tunay na kapansin-pansin ay kung paano siyang lumakad sa panahong iyon nang may pananampalataya at pagsunod. Siya ay lumakad sa daan ng panunumbalik sa Diyos pagkatapos ng kanyang kasalanan, at nasumpungan niya rin ang paglapit at pagpapagaling ng Ama. Ang mga taong nakakakilala sa kanya—ang iba ay hindi mananampalataya—ay nakapansin ng kanyang pagtitiyaga sa gitna ng unos, at ang lahat ng ito ay pumapatungkol sa Diyos. Ang kanyang paghihirap ay nagbunga ng kaluwalhatian ng Diyos sa magandang kaparaanan. Ako ay natutuwa ring iulat na isinalba ng Diyos ang kanilang pagsasama, at sila ngayon ay mag-asawa na at may dalawang anak!
Ibinabahagi ko ito sapagkat may mga sandali na nais nating sumuko dahil sa pagod at pagkasira ng loob. Ngunit hindi natin kaya. Kinakailangang magpatuloy kahit gaano kahirap ang panahon. Lubhang kapakinabangan mo kung ikaw ay magtitiyaga at ito rin ay paglilingkod sa iba. Ang iyong pagtitiyaga ay may kakayahang ituro ang tao kay Cristo, na magdudulot ng binagong buhay!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nangyari na ba na ikaw ay lubhang napagod o talunan sa buhay at ninanais mong bumitiw at sumuko? Ang Biblia ay puno ng panghihikayat na magpursigi at magpatuloy! Ang 7-araw na babasahing gabay na ito ay magpapaginhawa sa iyong paglalakbay sa hinaharap.
More