Huwag kang susukoHalimbawa
Araw 6—Ang Matiyagang Biyuda
Ang matiyagang biyuda ay kadalasang humihimok sa akin na magpatuloy sa aking mga pagsubok. Naaalala ko ang kanyang determinasyon at katapatan samantalang ako ay nais nang mabigo. Ang kanyang kuwento ang nagbibigay sa akin ng pag-asa kapag ang pag-asa ay unti-unting nawawala.
Sa parabula na ibinahagi ni Jesus, mayroong isang biyuda na naghahanap ng katarungan at dinala niya ang kanyang ipinaglalaban sa hukom na walang simpatiya. Sa una ay tinanggihan niya ang biyuda—paulit-ulit na hindi nagbabago ang kanyang saloobin. Ngunit ang biyuda ay hindi sumuko. Sa makailang ulit na panghihingi ng katarungan, ang hukom sa katapusan ay pinagbigyan ang kanyang kahilingan. Bakit? Para lubayan na siya!
Si Jesus ay nagpatuloy sa aralin na kung ang di-makatarungang hukom ay nagpaunlak sa kahilingan ng biyuda, na hindi niya pinagmamalasakitan ngunit dahil siya ay matiyaga, gaano pa ang Diyos na tutugon sa kanyang mga anak kung dadalhin nila ang kanilang kahilingan sa Kanya.
Ang Diyos ay mabuti at Siya ay matapat. Siya ay matuwid at tunay na dinirinig Niya ang panalangin ng Kanyang mga lingkod. May mga pagkakataon na nararamdaman mo na ang iyong mga panalangin ay hindi pinakikinggan o hindi ka pinahahalagahan ng Diyos katulad ng iba. Naranasan ko rin iyan at yan ay napakahirap. Subalit hindi ka dapat sumuko!
Ang biyuda ay hindi tumigil nang pagpunta sa di- makatarungang hukom. Samantalang isinasaisip ito, mahikayat na patuloy na hanapin ang Diyos na matuwid doon sa mga bagay na mahalaga sa iyo. Tunay na dinirinig ka Niya. Maaring hindi Siya sasagot sa eksaktong paraan at panahong gusto mo, subalit Siya ay palaging sasagot sa perpektong paraan at sa tamang oras.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nangyari na ba na ikaw ay lubhang napagod o talunan sa buhay at ninanais mong bumitiw at sumuko? Ang Biblia ay puno ng panghihikayat na magpursigi at magpatuloy! Ang 7-araw na babasahing gabay na ito ay magpapaginhawa sa iyong paglalakbay sa hinaharap.
More