Ang Plano ng Diyos sa Iyong BuhayHalimbawa
Huwag mong hayaang pigilan ka ng takot.
Malamang, marami pang magagandang bagay ang paparating sa iyo. Makapagtapos. Makapag-kolehiyo. Makapagtrabaho. Gawin ang mga bagay na para sa mga nasa edad na. Madali kang makaramdam ng kaguluhan—sa totoo lang, maaaring maramdaman mong hindi mo na alam ang iyong ginagawa!
Si Josue ay dumaan din sa ganyang pagkakataon. Sa Biblia, si Moises lamang ang naging totoong pinuno ng mga Israelita. Sa madaling salita, siya ang pinakadakila. Si Josue ang kanang-kamay ni Moises. Nang si Moises ay namatay, si Josue ang pumasan ng pagiging pinuno sa mga Israelita. Mahirap, di ba?
Nang nagbigay ng tagubilin kay Josue ang Diyos, sinabi Niya ito ng tatlong beses:
“Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob.”
Alam ng Diyos na napakalaki ng tungkulin ni Josue para sa Kanya. Alam Niya na si Josue ay natakot nang husto. Ngunit batid din ng Diyos na Siya ay may plano at sasamahan Niya si Josue. Kaya si Josue ay naging malakas at matapang—alam niyang nasa tabi niya ang Diyos.
Eto ang maganda: Ang Diyos ay kasama mo rin. Katulad ni Josue, nais ng Diyos na maging malakas at matapang ka sa iyong pagpasok sa bagong kabanata ng iyong buhay.
Ikaw man ay natatakot sa iyong pagtatapos, pagpasok sa kolehiyo, pagsisimula ng iyong karera, pagharap sa di-inaasahang problema, o simpleng takot sa hinaharap, ang Diyos ay kasama mo. Tulad ng ating napag-usapan sa Unang Araw, maaaring hindi mo makuha ang kabuuan ng plano. Gayunpaman, mapagkakatiwalaan natin ang Diyos ng ating kinabukasan, alam natin na ang Kanyang plano ay laging higit na mabuti sa ating plano.
Sa panghuli, tandaan mo na ang Diyos ay may pagmamalasakit at pagmamahal sa iyo na hindi mo kayang maunawaan. Anuman ang dumating sa iyong buhay, hindi ka iiwan at pababayaan ng Diyos. Nagbabago ang buhay, ngunit ang Diyos ay hindi kailanman nagbabago, at gayundin ang Kanyang pag-ibig sa atin. Kaya ito ay tandaan: Ang plano ng Diyos ay madalas na hindi malinaw, ngunit ito ay laging mabuti higit sa iyong ninanais o pinapangarap. At kapag ito ay tunay ngang batid mo at pinaniniwalaan— ikaw ay magiging handa sa anumang bagay.
Para sa mas marami pang mapagkukunan tungkol sa paksang tulad nito, tingnan ang www.finds.life.church
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ano ba ang plano ng Diyos sa iyong buhay? Ito ang isa sa karaniwang tanong na mayroon ang mga taga-sunod ni Cristo. Ngunit, kung tayo ay magpapakatotoo, ang plano ng Diyos sa ating mga buhay ay maaaring maging napakalaki. Dito sa 6-araw na Gabay sa Biblia, matututunan natin na ang plano ng Diyos ay hindi kasing kumplikado tulad nang inaakala natin, bagkus ay higit pang mas maganda kaysa sa ating iniisip.
More