Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Plano ng Diyos sa Iyong BuhayHalimbawa

God’s Plan For Your Life

ARAW 3 NG 6

Paano mo tinutuklas ang plano ng Diyos para sa iyong buhay?

Kung ikaw man ay nakatakbo na sa isang karera, alam mong mahalaga na manatili sa tamang bilis. Kung mabagal ka, mas madali kang mapupunta sa hulihan at lalampasan ka ng mga tao. Kung masyado ka namang mabilis, maaaring mabilis kang makaranas ng pagod at hindi ka magkakaroon ng sapat na kalakasan upang matapos ang laban.

Ang pagtuklas ng tamang bilis habang tumatakbo sa isang karera ay mapanghamon. Buti na lang, pagdating sa ating buhay Cristiano, mayroong nagtatakda ng bilis para sa atin.

Sabi sa Mga Taga-Galacia 5:25, "Kung ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin, siya na rin ang paghariin natin sa ating buhay.”

Kung tayo ay tinawag upang lumakad sa patnubay ng Espiritu, ibig sabihin nito ay itinatakda ng Espiritu Santo ang bilis para sa atin. Hindi tayo dapat nahuhuli o nauuna—tayo ay dapat manatili sa hakbang na ipinapatnubay sa atin.

Kapag tayo ay nananatili sa patnubay na hakbang ng Espiritu Santo, binibigyan Niya tayo ng karunungan at pag-unawa upang tulungan tayo sa ating mga pagpapasya. Sinasabi sa Kawikaan 3:6 na kung kikilalanin natin Siya sa lahat ng ating mga lakad, itutuwid Niya ang ating mga landasin.

Okay, ang lahat ng iyan ay parang magandang pakinggan sa teorya. Ngunit paano tayo talaga nananatili sa hakbangin ng Espiritu Santo?

Narito ang tatlong pamamaraan kung paanong magsisimula:

1.) Hanapin ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Salita. Dahil binabasa mo ang Gabay sa Bibliang ito sa Bible App, malinaw na ginagawa mo na ito! Ugaliing magbasa ng Banal na Salita ng Diyos araw-araw. Maraming iba't-ibang Gabay sa Biblia na maaari mong simulan, at kung kailangan mo ng mapapanagutan, maaari mo rin itong gawin kasama ang iyong maliit na grupo!

2.) Palagiang manalangin. Huwag kang matakot sa ideya ng pananalangin. Ang panalangin ay isang simpleng pakikipag-usap sa Diyos, at pagkatapos ay pakikinig sa Kanya. Kung madali kang magambala ( na marami naman sa atin ay ganoon), makakatulong kung bubuksan mo ang app ng mga Tala sa iyong telepono at isulat doon ang nais mong ipanalangin.

3.) Manatili sa isang komunidad. Ang pananatili sa hakbangin ng Espiritu Santo ay nangangahulugang pinapalibutan mo ang sarili mo ng mga tulad mong sumusunod kay Cristo. Ang pinakamabuting paraan para magawa mo ito ay ang pananatili sa iyong maliit na grupo at sa palagiang pagdalo sa iglesia. Makakatagpo ka ng mag bagong kakilala at makakabuo ka ng malalim na pakikipagkaibigan kasama ang ibang Cristiano.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

God’s Plan For Your Life

Ano ba ang plano ng Diyos sa iyong buhay? Ito ang isa sa karaniwang tanong na mayroon ang mga taga-sunod ni Cristo. Ngunit, kung tayo ay magpapakatotoo, ang plano ng Diyos sa ating mga buhay ay maaaring maging napakalaki. Dito sa 6-araw na Gabay sa Biblia, matututunan natin na ang plano ng Diyos ay hindi kasing kumplikado tulad nang inaakala natin, bagkus ay higit pang mas maganda kaysa sa ating iniisip. 

More

Nais naming pasalamatan ang Switch, isang ministeryo ng Life.Church, sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: www.life.church