Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Plano ng Diyos sa Iyong BuhayHalimbawa

God’s Plan For Your Life

ARAW 1 NG 6

Kung iisipin natin, hindi ganoon ka-komplikado ang plano ng Diyos.

Narinig mo ba na may "plano ang Diyos para sa iyong buhay"? Kadalasan, madalas sabihin ng ating mga magulang o ng ilang mabubuting tao ang plano ng Diyos para tayo ay magkaroon ng lakas ng loob, pero kung magiging totoo tayo sa ating sarili, nag-aalala pa rin tayo! Ito kasi iyon: Ang plano ng Diyos ay hindi ganoon ka-komplikado tulad ng iniisip natin.

Sa Lumang Tipan, mayroong kuwento tungkol sa isang lalaki na ang pangalan ay Abram. Ayon sa Genesis 12:1, sinabi ng Diyos kay Abram na lisanin ang kanyang bayan at magtungo sa isang lugar na ipapakita Niya. Lisanin mo ang iyong bayan, ang iyong tahanan, para pumunta sa lugar na hindi mo pa nararating? Parang nakakatakot iyon! Subalit sa Genesis 12:4, ay sinasabi na “… Sumunod nga si Abram sa utos ni Yahweh …”

Hindi ibinigay ng Diyos kay Abram ang kabuuang plano. May iniwang Siyang ilang detalye na maaari sanang makaginhawa kay Abram. Sa halip, ibinigay ng Diyos kay Abram ang tagubilin para sa pinaka susunod na bagay na nais Niyang gawin nito.

At ito ang spoiler alert: Dahil sa pagsunod ni Abram, binago ng Diyos ang kanyang pangalan mula sa Abram at ito ay naging Abraham, na ang ibig sabihin ay "Ama ng marami." At si Abraham ay naging ama ng maraming bansa! Sa katunayan, muling nabanggit ang pangalan ni Abraham sa aklat ng Mga Hebreo 11 sa Mga Dakilang Halimbawa ng Pananampalataya. Ang galing, hindi ba?

Si Abram ay magandang halimbawa ng isang taong namuhay nang may pananampalataya— kahit hindi niya nakita ang buong plano ng Diyos sa kanyang buhay. Hindi siya perpekto, subalit naging sagana ang kanyang buhay sa pagsunod sa Diyos, kahit minsan ay hindi niya ito maunawaan.

Kaya nga, pagdating sa plano ng Diyos sa ating buhay, ganoon madalas kumilos ang Diyos—sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Salita (Ang Biblia) at pagbibigay ng gabay sa susunod na magiging hakbang natin. Iyan lang talaga ang plano ng Diyos. Ito ay isang pagkakasunud-sunod ng mga susunod na hakbang na gagawin natin bilang tanda ng pagsunod sa Diyos.

Sinasabi sa Mga Awit 119:105 na ang Salita ng Diyos ay tanglaw na patnubay sa ating daraanan at liwanag na tumatanglaw. Ang bersikulong ito ay hindi tumutukoy sa uri ng lamparang mayroon ka sa iyong silid na nagpapaliwanag sa buong kuwarto. Sa halip, ang bersikulo na ito ay tumutukoy sa liwanag ng maliit na kandila. Hindi ito magbibigay ng napakalaking liwanag—liwanag na sapat lang upang makita kung anong nasa iyong harapan. Tulad ito ng pagpasok mo sa isang napakadilim na silid na ang dala mo lang ay isang maliit na flashlight—may sapat na liwanag para makita mo ang iyong daraanan.

Katulad ni Abram, hindi ibibigay ng Diyos ang kabuuang plano ng ating buhay. Kung ibibigay Niya ito, hindi na natin kailangang manampalataya at magtiwala sa Kanya! Sa halip, nais ng Diyos na mangusap sa atin sa pamamagitan ng kanyang Banal na Salita at sa mga pinagkakatiwalaang mga sumusunod kay Cristo na nasa buhay natin upang tulungan tayo sa susunod na gagawin— sa paisa-isang hakbang.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

God’s Plan For Your Life

Ano ba ang plano ng Diyos sa iyong buhay? Ito ang isa sa karaniwang tanong na mayroon ang mga taga-sunod ni Cristo. Ngunit, kung tayo ay magpapakatotoo, ang plano ng Diyos sa ating mga buhay ay maaaring maging napakalaki. Dito sa 6-araw na Gabay sa Biblia, matututunan natin na ang plano ng Diyos ay hindi kasing kumplikado tulad nang inaakala natin, bagkus ay higit pang mas maganda kaysa sa ating iniisip. 

More

Nais naming pasalamatan ang Switch, isang ministeryo ng Life.Church, sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: www.life.church