Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Plano ng Diyos sa Iyong BuhayHalimbawa

God’s Plan For Your Life

ARAW 4 NG 6

Ang tatlong, hindi nakasulat na alituntunin ukol sa mga plano 

  

Ilarawan ito sa iyong isipan: Bumili ka ng isang bagong kamiseta at hindi ka na makapaghintay na maisuot ito sa paaralan dahil alam mo na magiging dahilan ito upang mapansin ka ng isang guwapong lalaki o magandang babae. Pinaghandaan mo at sinigurado na lahat ay tutugma sa iyong kasuotan. Nang ikaw ay kumakain ng tanghalian, nagsimula na ang trahedya: natapunan mo ng ketchup ang buong damit mo—nang ang taong matagal mo nang hinahangaan ay dumaan sa iyong mesa.

Kung minsan, ang buhay ay hindi ayon sa ating mga plano.

Sa Biblia, may kuwento tungkol sa isang lalaking nagngangalang Gideon. Hindi lang nagmula si Gideon sa pinakamahihirap na lipi sa tribo ng Manases kundi siya rin ang pinakamahina sa kanyang pamilya. Siya ay tiyak na isang taong hindi maaaring piliin ng Diyos. Nang maglaon, pinangunahan ng Diyos si Gideon sa pakikidigma laban sa mga Madianita, na isang tribo ng kaaway, kung saan ang kampo ni Gideon ay may 38,000 kawal. Pagkatapos, sinabi ng Diyos kay Gideon na napakarami niyang kawal, at kung matatalo nila ang mga Madianita, mukha lamang natalo nila ito sa pamamagitan ng sarili nilang kakayahan. Kaya, pinauwi ni Gideon ang 20,000 kawal. Sinabi ng Diyos na napakarami pa rin nito, kaya sa huli, si Gideon ay naiwan na may 300 kawal na lamang. Binigyan ng Panginoon si Gideon at Israel ng tagumpay laban sa mga Madianita sa 300 na kawal lamang—na tiyak na hindi ang orihinal na plano ni Gideon.

Kapag iniisip natin ang hinaharap at kung ano ang plano ng Diyos para sa atin, importanteng tandaan na ang mga bagay ay hindi palaging aayon sa pagkakaplano natin dito.

Sa katunayan, mayroong tatlong, hindi nakasulat na mga alituntunin ukol sa mga planong dapat mong sundin:

1.) Planuhin ang pagsisimulang muli. Ang buhay ay isang serye ng pagsisimulang muli. Kapag ikaw ay nakapagtapos na ng elementarya, panahon namang magsimula ka sa mataas na paaralan. Kapag naman nalaman mo na ang pasikut-sikot sa mataas na paaralan, oras na upang simulan ang preparasyon para sa kolehiyo at ang pagiging nasa wastong gulang. Sa totoo lang, hindi ito natatapos. Matutong magsimulang muli. Kapag nagbabago ang mga plano, sakyan lang ito. Hindi mo alam kung ano ang pinaplano ng Diyos para sa iyo. Yakapin ang kasalukuyang panahon kung saan ka naroroon.

2.) Magplanong magsabi ng hindi. Minsan, kailangan nating magsabi ng "hindi" sa magagandang bagay upang masabi ang "oo" sa pinakamagagandang bagay. Hindi lahat ay magagawa natin. Magdasal at humingi ng karunungan upang malaman kung saan nararapat na gugulin ang iyong oras upang magkaroon ng pinakamalaking epekto para sa Kaharian ng Diyos.

3.) Magplano upang maging malikhain. Ang mga plano ng Diyos ay maaaring dalhin tayo sa mga landas na hindi natin inaasahan. Para kay Gideon, kabilang dito ay ang paggamit ng mga bagay na mayroon lamang siya—mga banga na may mga sulo sa halip ng mga karaniwang sandatang ginagamit sa labanan. Gamitin ang mga kaloob na ibinigay sa iyo ng Diyos ngayon. Huwag mag-alala kung anong mayroon ang ibang tao. Kilalanin na kung ano ang ibinigay sa iyo ng Diyos na tulong ay higit pa kaysa sa maiisip mo.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

God’s Plan For Your Life

Ano ba ang plano ng Diyos sa iyong buhay? Ito ang isa sa karaniwang tanong na mayroon ang mga taga-sunod ni Cristo. Ngunit, kung tayo ay magpapakatotoo, ang plano ng Diyos sa ating mga buhay ay maaaring maging napakalaki. Dito sa 6-araw na Gabay sa Biblia, matututunan natin na ang plano ng Diyos ay hindi kasing kumplikado tulad nang inaakala natin, bagkus ay higit pang mas maganda kaysa sa ating iniisip. 

More

Nais naming pasalamatan ang Switch, isang ministeryo ng Life.Church, sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: www.life.church