Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Plano ng Diyos sa Iyong BuhayHalimbawa

God’s Plan For Your Life

ARAW 5 NG 6

Ano ang mangyayari kapag hindi natin nakikita ang plano ng Diyos? 

Sa Lumang Tipan, si Jeremias ay isang propeta na naghahatid ng isang mensahe mula sa Diyos patungo sa Kanyang mga tao na ipinatapon sa Babilonia. Hindi nila gusto na mapunta rito. Hindi ito ang plano. Sa halip na iligtas sila ng Diyos kaagad, sinabi Niya sa kanila na "Magtayo kayo ng mga bahay at diyan na kayo tumira" (Jeremias 29: 5 RTPV05) at "pagyamanin ninyo ang lunsod na pinagdalhan ko sa inyo…" (Jeremias 29: 7 RTPV05)

Sa mga sumunod na bersikulo, sinabi ng Diyos, … ". Pagkatapos lamang ng pitumpung taon ng pagkabihag sa Babilonia, muli kong ipadarama ang pag-ibig ko sa inyo. Tutuparin ko ang aking pangakong ibabalik kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyo." Jeremias 29:10 RTPV05 (nagdagdag ng diin)

Pitumpung taon! Karamihan sa atin ay hindi matiyagang maghintay para sa isang bagay sa loob ng 70 segundo pa lamang, paano pa sa 70 taon.

Ang lahat ng ito ay napapaloob sa sunod na bersikulo, na malamang ay narinig mo na noon: "Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa." Jeremias 29:11 RTPV05

Narito ang tatlong bagay tungkol sa plano ng Diyos na dapat mong malaman:

1.) Ang magagandang plano ay maaaring magtagal. Sinabi ng Diyos sa mga Israelita na sila ay magiging bihag sa loob ng 70 taon. Maraming taong nakarinig nito ay hindi na makikita ang kabilang bahagi ng pangakong ito. Minsan, maaaring makaramdam kang napakatagal para sa Diyos na maihayag ang Kanyang plano sa iyo. Ang katotohanan ay maaaring hindi mo makita ang buong kalalabasan ng kung anong mayroon ang Diyos para sa iyong buhay— maaaring ikaw ay makaapekto pa sa mga susunod na henerasyon nang hindi mo nalalaman!

2.) Ang panahon ng paghihintay ay hindi panahon na nasayang. Pansinin na hindi sinabi ng Diyos sa mga Israelita na maghintay lamang at walang gawin sa pitumpung taon. Sinabi Niya sa kanila na magtrabaho para sa kapayapaan at kasaganaan ng lungsod kung saan Niya sila ipinadala. Nasaan ka man ngayon, maaari kang gamitin ng Diyos! Huwag palampasin ang pagkakataong makaimpluwensya para sa Kaharian ngayon sa pamamagitan ng paghihintay para sa panahong inilaan sa iyo ng Diyos.

3.) Ang kanyang mga plano ay mabuti. Anumang panahon naroroon ka ngayon, ang pangako ng Jeremias 29:11 ay nananatiling totoo: Ang Diyos ay mayroong mabuting plano para sa iyo—mga plano para sa kinabukasan at pag-asa. Maaaring hindi mo pa ito nakikita sa ngayon, ngunit kung patuloy mong ipagkakatiwala sa Panginoon ang iyong kinabukasan, makikita mo ang mabuting bahagi sa kabila nito.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

God’s Plan For Your Life

Ano ba ang plano ng Diyos sa iyong buhay? Ito ang isa sa karaniwang tanong na mayroon ang mga taga-sunod ni Cristo. Ngunit, kung tayo ay magpapakatotoo, ang plano ng Diyos sa ating mga buhay ay maaaring maging napakalaki. Dito sa 6-araw na Gabay sa Biblia, matututunan natin na ang plano ng Diyos ay hindi kasing kumplikado tulad nang inaakala natin, bagkus ay higit pang mas maganda kaysa sa ating iniisip. 

More

Nais naming pasalamatan ang Switch, isang ministeryo ng Life.Church, sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: www.life.church