Paglakad kasama ni Jesus [Pagkabahala]Sample
Ang kahalagahan ng ngayon (2)
Mas madalas na interesado tayo sa isang bagay na lampas sa ating kontrol. Kadalasan sinusubukan nating buksan ang pintuan ng nakaraan. Wala tayong magagawa tungkol sa kinabukasan dahil hindi pa dumating ang araw na iyon. Subalit, ang hinaharap ay nakasalalay kung anuman ang ginagawa natin ngayon. Kaya't gawin natin ngayon din ang isang magandang gawa.
Mayroong dalawang mahahalagang bagay na kailangan nating gawin upang maging magandang gawain ang araw na ito: ang pagpapasya at ipamuhay ang disiplina . Ang desisyon mismo ay hindi gagana at makagawa ng magagandang resulta nang walang disiplina, at ganoon din sa kabaliktaran. Halimbawa, kung magbigay ka ng isang bloke ng kahoy sa isang ordinaryong tao; tiyak na ibabalik din nila ito sa iyo. Ngunit subukang ibigay ang parehong bloke ng kahoy sa isang eskultor!
Una, magpapasya ang iskultor kung ano ang maaaring gawin mula sa kahoy na ito. Pagkatapos ay iguguhit niya ang isang plano. Pagkatapos ay didisiplinahin niya ang kanyang sarili upang mag-ukit sa kahoy hanggang sa ang bloke ng kahoy ay magiging isang magandang ukit. Paano ito mangyayari?
Maaaring gawin ito ng iskultor sa pamamagitan ng pagkilala at paglalabas sa potensyal ng kahoy. Napakarami sa atin ang hindi umaamin na ang ating mga nakaraang pagkabigo ay sanhi ng maling mga pagpapasya, tulad ng sinumang adik na nagpasya na magpatuloy sa kanyang pagkagumon, o isang taong piniling dumaan sa masamang relasyon. Itinuturo sa atin ng Mateo 6:12, 14-15 na patawarin ang mga taong nagkamali sa atin. Kung pinatawad natin ang mga taong nagkamali sa atin, patatawarin tayo ng Diyos.
Walang sinuman ang nagsabi na madaling gumawa ng mga tamang pagpapasya, subalit, ang tamang pagpapasya ay napakahalaga sa ating tagumpay sa hinaharap.
Pagninilay:
1. Nakagawa ka na ba ng maling desisyon? Paano mo ito inayos?
2. Kung nahaharap ka sa isang pagpapasyang dapat mong gawin ngayon, ikaw ba mismo ang magpapasya o magtatanong ka muna sa Diyos?
Isagawa ito: NGAYON , gumawa tayo ng mga pagpapasya na hindi ayon sa ating sariling pang-unawa, ngunit ayon sa kalooban ng Diyos!
Scripture
About this Plan
Ang pagkabahala ay kaaway ng pananampalataya. Ang ating mga alalahanin ang nagpahihina ng ating pananampalataya, . Ibinigay ng Diyos ang Kanyang salita upang mapagtagumpayan natin ang mga pag-aalala at mapalitan ng isang kwento ng pagtatagumpay. Sa debosyong "Paglalakad kasama ni Hesus", nawa tayong lahat ay maging matatag sa pananampalataya at mapagtagumpayan ang mga alalahanin.
More