Paglakad kasama ni Jesus [Pagkabahala]Sample
Ang bagyo
Kamakailan lamang, ang aming bansa ay naapektuhan ng matinding bagyo. Ang Indonesia, ay matatagpuan sa paligid ng ekwador, isang lugar na hindi dinadaan ng mga tropical na bagyo. Gayunpaman, mayroong tatlong karagatan (Karagatang Atlantiko, Karagatang Indiano, at Karagatang Pasipiko) na siyang sentro ng bagyo sa mundo at matatagpuan malapit sa Indonesia. Ito ang dahilan kung bakit maraming bagyo na malapit sa kapuluan ay nakaka epekto sa buhay ng aming mga kababayan.
Ang mga alagad ay kasama ni Jesus sa isang bangka upang tumawid sa Dagat ng Galilea ng gabi nang biglang dumating ang isang bagyo. Sa oras na iyon, si Jesus ay natutulog sa bangka. Ang mga alagad sa sobrang takot dahil sa bagyo ay ginising si Jesus. Tumayo si Jesus at sinaway ang bagyo at bumalik sa kapayapaan ang karagatan.
Ang bahaging "at ang hangin ay tumigil at ang lawa ay naging kalmado" ay madalas na itinuturing na rurok ng kwentong ito. Ang bahaging ito ay nagbibigay ng sagot at gumagarintisado na mapapayapa ni Jesus ang mga bagyo na nararanasan natin sa ating buhay.Ang praktikal na konklusyon na ito ay hindi mali sapagkat si Jesus ay tunay na kayang makapagpakalma ng bagyo!
Gayunpaman, may mga kagiliw-giliw na bagay na nangyari din sa panahon ng bagyo. Itinala ng Bibliya na "natulog si Jesus" (Lucas 8:23). Ito ang minsan nating nararanasan. Nakakaharap tayo ng mga problema at ang pakiramdam natin ay natutulog Siya - Wala siyang ginagawa upang kalmahin ang mga bagyo sa ating buhay. Ito rin ay isang kaaliwan para sa atin. Ang kanyang presensya ay sapat para sa atin. Kung pinapakalma Niya ang isang bagyo o hindi, maaari tayong manatiling nagtitiwala na walang bagyo na maaring makapaglunod sa atin dahil kasama natin Siya. Kamangha-mangha!
Maiiwasan ng Indonesia ang mga bagyo, ngunit apektado pa rin ito ng matinding klima. Hindi natin maiiwasan ang mga bagyo ng buhay sa ating buhay kaya siguraduhin na si Jesus ay kasama mo.
Pagninilay:
1. Paano mo kinkaharap ang mga bagyo ng buhay?
2. Ano ang iyong paniniwala kapag ikaw ay nasa isang pagsubok?
Isagawa ito: Anumang ginagawa ni Panginoong Jesus, kung pakalmahin Niya ang bagyo o Siya ay natutulog, Siya pa rin ang Panginoong naghahari sa ating buhay. Manampalataya ka lang sa Kanya.
Scripture
About this Plan
Ang pagkabahala ay kaaway ng pananampalataya. Ang ating mga alalahanin ang nagpahihina ng ating pananampalataya, . Ibinigay ng Diyos ang Kanyang salita upang mapagtagumpayan natin ang mga pag-aalala at mapalitan ng isang kwento ng pagtatagumpay. Sa debosyong "Paglalakad kasama ni Hesus", nawa tayong lahat ay maging matatag sa pananampalataya at mapagtagumpayan ang mga alalahanin.
More