YouVersion Logo
Search Icon

Paglakad kasama ni Jesus [Pagkabahala]Sample

Paglakad kasama ni Jesus [Pagkabahala]

DAY 1 OF 7

Higit pa sa isang kalawakan

Ipinahayag ng Siyensya na mayroon mga kalawakan, malaking koleksyon ng mga bituin, gas, at alikabok. Mayroong milyon-milyon at trilyon na mga bituin sa isang kalawakan. Ang kalawakan kung saan matatagpuan ang ating mundo ay tinatawag na Milky Way Galaxy. Marami pa ring iba pang mga kalawakan, tulad ng Andromeda, Sombrero, at iba pang mga kalawakan na hindi kayang makita ng ating mga mata.

Ang ating mga mata at isipan ay  limitado upang magawang makita at maunawaan ang mga bagay na may napakalawak  na sukat. Gayunpaman, kahit na hindi natin lubos na maunawaan kung gaano kalaki ang mga bilyun-bilyon at trilyon na mga bituin na ito sa buong sansinukob, maaari pa rin nating malaman ang konsepto ng Dakilang Diyos mula rito. Kung kayang gawin ng Diyos ang napakagandang langit at lupa, ang araw at buwan, ang mga bituin at ang kanilang mga konstelasyon, kung gayon Siya ay mas malaki kaysa sa alinman sa mga nilikha na ito, hindi ba? Kung ganito subukang magbasa ng isang libro ng astronomia o hanapin sa website ang tungkol sa laki at mga nilalaman ng buonh daigdih. Ang ating pag-unawa sa daigdig ay magpapalago ng ating pananampalataya. Lalo tayong mananiniwala na Siya na nagpapanatili ng sansinukob ay pangangalagaan din tayo, ang Kanyang mga anak. Hindi na natin kailangang mag-alala tungkol sa maraming bagay dahil alam natin at naniniwala tayo sa Isang Diyos na nagpapanatili sa atin. Sa ganitong pangyayari, hindi mo ba naisip na mas malaki rin Siya kaysa sa lahat ng ating mga problema?

Pansinin na ginawa ng Diyos ang lahat ng mga pambihirang bagay na ito sa KANYANG mga salita LAMANG. Ang lahat ay nilikha sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Ito ay kahanga-hanga! Ang kaalaman na Siya ay isang makapagyarihan at dakilang Diyos ay hahamon sa atin na maniwala sa Kanya. Matapos nating masaksihan ang Kanyang kadakilaan mas madali para sa atin na maniwala sa isang dakilang Diyos, na lumikha ng lahat sa pamamagitan Kanyang Salita.

Subukang magbasa ng isang libro ng astronomia o magsiyasat sa website tungkol sa sukat at mga nilalaman ng buong daigdig. Ang ating magiging kaalaman sa daigdig ay magpapalago ng ating pananampalataya. Lalo tayong mananampalataya na Siyang nagpapanatili ng sansinukob ay Siya ding nangangalaga sa atin, na Kanyang mga anak. Hindi na natin kailangang mag-alala tungkol sa maraming bagay dahil alam natin at nananampalataya tayo sa Isang Diyos na sumusuporta at nangangalaga sa atin.

Pagninilay:

1. Madalas ka bang nag-aalala at takot sa hinaharap?

2. Nakatulong ba ang pagka-unawa o realidad ng Diyos sa iyo?

Isagawa ito: Tumingin sa kapaligiran at abot ng iyong tanaw! Alamin ang tungkol sa ating Panginoon! Nag-aalala ka pa ba sa iyong buhay?

Scripture

Day 2

About this Plan

Paglakad kasama ni Jesus [Pagkabahala]

Ang pagkabahala ay kaaway ng pananampalataya. Ang ating mga alalahanin ang nagpahihina ng ating pananampalataya, . Ibinigay ng Diyos ang Kanyang salita upang mapagtagumpayan natin ang mga pag-aalala at mapalitan ng isang kwento ng pagtatagumpay. Sa debosyong "Paglalakad kasama ni Hesus", nawa tayong lahat ay maging matatag sa pananampalataya at mapagtagumpayan ang mga alalahanin.

More