YouVersion Logo
Search Icon

Paglakad kasama ni Jesus [Pagkabahala]Sample

Paglakad kasama ni Jesus [Pagkabahala]

DAY 5 OF 7

Huwag mabahala!

Ang Panginoong Jesus ay ang pinakamatagumpay na tao sa ministeryo na tunay na nasiyahan sa Kanyang pamumuhay sa mundong ito. Itinuro sa atin ng Panginoong Jesus kung paano maging kontento. Sinabi niya: “Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay – kung ano ang inyong kakainin, iinumin o susuotin. Dahil kung binigyan kayo ng Dios ng buhay, siguradong bibigyan din niya kayo ng pagkain at isusuot." (Mateo 6:25).

Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na maging kontento sa kung ano ang mayroon tayo at huwag mag-alala. Bakit nag-aalala ang mga tao? Sinabi ni Pablo sa 1 Timoteo 6: 9; "Ang mga taong naghahangad yumaman ay nahuhulog sa tukso, sa isang bitag ng mapanira at walang kabuluhang mga hangarin na nagdadala sa kanila sa kapahamakan". Iyon ang dahilan kung bakit si Solomon, ang pinakamayamang tao na nabuhay noon, ay nagsabi, "Sapagka't ano ang tinatamo ng tao sa lahat niyang gawa, at sa nais ng kaniyang puso na kaniyang iginawa sa ilalim ng araw?Sapagka't lahat niyang kaarawan ay mga kapanglawan lamang, at ang kaniyang pagdaramdam ay hapis; oo, pati sa gabi ay hindi nagpapahinga ang kaniyang puso. Ito man ay walang kabuluhan." (Eclesiastes 2: 22-23).

Nang likhain ng Diyos ang tao, mayroong isang kakayahan na inilagay ng Diyos sa kanila, na kung saan ay kapanatagan. Ang kakayahang ito ang nagpapalakas sa mga tao upang magpatuloy sa pamumuhay ng buhay na ito at magkaroon ng kasiyahan. Dapat nating paniwalaan na ibinibigay ng Diyos ang lahat ng kailangan natin para sa ating kaligayahan upang maisakatuparan natin ang Kanyang mga plano sa mundo.

Pagninilay:

1. May pag-aalala ka ba tungkol sa isang bagay? Ano ito?

2. Naranasan mo na bang magkulang ng isang bagay o kasaganaan? Ano ang ginawa mo sa oras na iyon?

Isagawa ito: Huwag tayong mabalisa o mamuhay sa kasakiman ngunit masiyahan tayo sa buhay na ito kasama ang lahat ng mga kaloob na ibinigay sa atin ng Diyos.

Day 4Day 6

About this Plan

Paglakad kasama ni Jesus [Pagkabahala]

Ang pagkabahala ay kaaway ng pananampalataya. Ang ating mga alalahanin ang nagpahihina ng ating pananampalataya, . Ibinigay ng Diyos ang Kanyang salita upang mapagtagumpayan natin ang mga pag-aalala at mapalitan ng isang kwento ng pagtatagumpay. Sa debosyong "Paglalakad kasama ni Hesus", nawa tayong lahat ay maging matatag sa pananampalataya at mapagtagumpayan ang mga alalahanin.

More