YouVersion Logo
Search Icon

Paglakad kasama ni Jesus [Pagkabahala]Sample

Paglakad kasama ni Jesus [Pagkabahala]

DAY 6 OF 7

Ang kahalagahan ng ngayon (1)

Maraming mga tao sa mundo ang masyadong nag-iisip tungkol sa kanilang kinabukasan na hindi pa nangyayari sa kanila. Sa kabilang banda, maraming tao ang labis na nag-aalala tungkol sa mga nangyari na sa kanilang buhay; isa sa mga ito ay ang pagkabigo.

Ang pagkabigo ay isa sa mga pinakadakilang guro sa buhay. Ito ay palaging handang magturo sa atin ng isang bagay sa kabila na hindi tayo mapapahamak sa pamamagitan nito. Ang kasaysayan ay puno ng mga kwento ng mga taong mayroong mga mahalagang bagay subalit sumuko din sa napakadaling panahon. Hangga't buhay pa ang ating espiritu, palaging may pag-asa. Kapag namatay na ang espiritu, karaniwan lamang na tayo ay mabigo.

Manatili lamang sa ating paglakad kapag mayroon tayong mga pangarap na pinaniniwalaan natin ng buong puso. Minsan kailangan nating mag-iba ng daan muna at gumawa ng ibang mga bagay para lamang mabuhay. Minsan kailangan lang nating subukan ng isa pang beses, isa pang buwan, isa pang taon, o sa ilang mga pangyayari gumawa ng isa pang pagbisita na maaaring magbukas ng pinto ng tagumpay. Maraming mga tao ang nabigo  ng hindi napagtatanto kung gaano na sila kalapit sa tagumpay nang sila ay sumuko.

May kasabihan na "Isulat ang iyong mga plano sa lapis, ngunit isulat ang iyong pangitain at pangarap sa tinta." Ang pangungusap na ito ay nagtuturo sa atin na matutong umangkop at magbago ng mga plano dahil naniniwala tayo na gagabayan ng Diyos ang ating landas at ang ating mga pangarap kapag isinuko natin ang mga ito sa Kanya. Hindi natin kailangang maging mahusay upang magsimula ng isang bagay ngunit kailangan nating simulan ang isang bagay upang maging mahusay. Ang mga librong hindi pa naiisulat ay hindi maaring ilagay sa listahan ng mga pinakamahusay. Ang isang kapaki-pakinabang na produkto ay hindi malalaman kung ang prototype ay hindi nakumpleto. Ang isang relasyon ay hindi kailanman mabubuo o mapapabuti kung walang pagsisikap. Napakaraming tao ang naghihintay na maging perpekto ang lahat bago sila magsimula. Ang pinakamabilis at pinakamahusay na paraan upang makagawa ng isang daang mga hakbang ng tagumpay sa ating kinabukasan ay ang gawin ang unang hakbang NGAYON  kasama ng Panginoon!

Pagninilay:

1. Mayroon ka bang mga pangarap? Gaano kalaki ang iyong pangarap at gaano ka kasigurado na makakamit mo ito?

2. Isinuko mo na ba iyong buhay, pangarap, at lahat ng iyong mga plano sa Diyos?

Isagawa ito: Isuko natin ang ating mga pangarap at mga plano sa Diyos NGAYON, at makikita natin ang Kanyang pagkilos!

Day 5Day 7

About this Plan

Paglakad kasama ni Jesus [Pagkabahala]

Ang pagkabahala ay kaaway ng pananampalataya. Ang ating mga alalahanin ang nagpahihina ng ating pananampalataya, . Ibinigay ng Diyos ang Kanyang salita upang mapagtagumpayan natin ang mga pag-aalala at mapalitan ng isang kwento ng pagtatagumpay. Sa debosyong "Paglalakad kasama ni Hesus", nawa tayong lahat ay maging matatag sa pananampalataya at mapagtagumpayan ang mga alalahanin.

More