Mamuhay nang may Lakas at Tapang!Sample
“Ginagawa Niya ang Lahat ng Bagay para sa Ikabubuti Mo”
Ang Diyos ay may kontrol sa lahat ng bagay sa bawat aspeto ng ating buhay. Lubos Siyang may kakayanang isaayos ang anumang pangyayari upang ito ay para sa ating kapakinabangan bilang mga mananampalataya.
“Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.” Roma 8:28
Mas higit ang Kanyang kakayahang pamahalaan kahit ang pinaka-kumplikadong mga hamon sa buhay, at gagabayan Niya tayo sa landas na ikatutupad ng Kanyang plano para sa ating buhay. Gusto lamang Niyang magtiwala tayo sa Kanya na gawin ito.
“Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.” Kawikaan 3:5-6.
Ang paglalagay ng ating tiwala sa Diyos ay hindi hahalili sa lugar ng personal na responsibilidad at mabuting pamamahala. Sa halip, angkop na magkasama ang personal na responsibilidad at pagtitiwala sa Kanya. Kapag ginagawa natin ang ating bahagi, laging tapat ang Diyos sa paggawa ng Kanyang bahagi at pangungunahan Niya tayo nang mahusay.
Sa maraming sitwasyon, ang pangunguna ng Diyos ay dumarating sa anyo ng pagbubukas at pagsasara ng "mga oportunidad" sa ating mga kalagayan. Sa ibang kaso naman, ang ating mga sitwasyon ay nangangailangan ng banal na interbensyon ng Diyos upang magpagaling, gumawa ng isang himala, o gumawa ng isang bagay na imposibleng magawa.
Tiningnan sila ni Jesus at sinabi, “Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.” Mateo 19:26
Pagharap man ito sa isang sakit na walang lunas, isang krisis sa pananalapi, o kahit ang hindi inaasahang pagkawala ng isang mahal sa buhay, ang Diyos ay naroroon at kayang kumilos sa paraang higit sa karaniwan sa mga oras na ito.
Ang Diyos ay dalubhasa na gawing tagumpay ang trahedya at ang kahirapan na maging kagalakan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Huwag mag-alinlangan kailanman na “gumagawa pa rin ng himala” ang Diyos ngayon. Kayang mamagitan ng Diyos sa anumang imposibleng sitwasyon!
About this Plan
Hindi ka kailanman nag-iisa. Ikaw man ay 1 araw o 30 taon na sa iyong pananampalataya bilang Kristiyano, nananatili ang katotohanang ito para sa lahat ng maaaring ihamon ng buhay sa atin. Alamin kung paano yayakapin nang epektibo ang tulong ng Diyos sa gabay na ito. Hango sa librong, "Out of This World: A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt
More