YouVersion Logo
Search Icon

Mamuhay nang may Lakas at Tapang!Sample

Mamuhay nang may Lakas at Tapang!

DAY 7 OF 8

“Bumubuo Siya ng Katangian ng Kristiyano Upang Matulungan Kang Lumago”

Ang mabuting katangian ay hindi isang bagay na natatanggap natin kasama ng kaligtasan, ngunit natutunan at napapalago ito sa paglipas ng panahon. Isa sa mga pangunahing layunin ng Diyos ay ang tulungan tayo na mabuo ang katangian na katulad kay Cristo. Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu na maging mas katulad ni Jesus sa pamamagitan ng pagbuo at pagpapalago ng Kanyang katangian sa atin. Tinatawag ito ng Bibliya na Bunga ng Espiritu.

“Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili.   Walang batas laban sa mga ganito.” Galacia 5:22-23

Sa gitna ng mga hamon, sinusubukan natin kung minsan na pagtagumpayan ang kahirapan sa pamamagitan ng ating sariling kapangyarihan. Sa paggawa nito, maaari pa nga tayong matukso na ikompromiso ang ating katangian bilang Kristiyano upang malampasan ang ating mga paghihirap, o "makapag-shortcut." Ngunit kapag hiningi natin ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu, tinutulungan Niya tayong manatili sa landas nang may integridad, katotohanan at katapatan, anuman ang mga pangyayari.

Sa mga panahon ng tagumpay, ang di-nagbabagong pamantayang hango sa Bibliya ay dapat na manatiling buo. Ang makasariling pagmamataas at kayabangan ay direktang sumasalungat sa katangian ng Kristiyano na nais ng Diyos na umusbong sa ating buhay. Sa katunayan, kailangan ng bawat Kristiyano ang pagpapakumbaba upang patuloy na matanggap ang pagsulong na mula sa Diyos.

“Pinagpala ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.” Mateo 5:5

Habang hinaharap natin ang ating mga hamon at tagumpay suot ang mga katangiang katulad ni Cristo, magsisimula tayong lumago sa ating paglakad kasama ng Diyos. Magsisimula din nating mapansin na ang pagkilos ayon sa Bunga ng Espiritu ay gumagana para sa higit nating ikakabuti at sa Kanyang karangalan. Habang mas lumalago tayo sa ating paglakad kasama ng Diyos, mas higit na ipagkakatiwala ng Diyos ang higit pang mga pagpapala sa ating buhay!

Day 6Day 8

About this Plan

Mamuhay nang may Lakas at Tapang!

Hindi ka kailanman nag-iisa. Ikaw man ay 1 araw o 30 taon na sa iyong pananampalataya bilang Kristiyano, nananatili ang katotohanang ito para sa lahat ng maaaring ihamon ng buhay sa atin. Alamin kung paano yayakapin nang epektibo ang tulong ng Diyos sa gabay na ito. Hango sa librong, "Out of This World: A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt

More