YouVersion Logo
Search Icon

Mamuhay nang may Lakas at Tapang!Sample

Mamuhay nang may Lakas at Tapang!

DAY 6 OF 8

“Binibigyan Ka Niya ng Kapangyarihan Upang Mabuhay nang Matagumpay”

Kung wala ang tamang mga kasangkapan para sa trabaho, kahit ang pinakasimpleng mga gawain ay maaaring maging mahirap. Halimbawa, ang pag-alis ng isang tornilyo ay madali sa isang de-kuryenteng distornilyador, ngunit labis na nakakapagod at mahirap kung wala ito.

Ang isa sa mga nangungunang prayoridad ng Diyos ay ang pagbibigay sa atin ng tamang mga kasangkapan sa buhay. Ito man ay karunungan upang harapin ang isang malaking pagpapasya, lakas ng diterminasyon upang sirain ang isang masamang ugali, o kahit na dagdag na pananampalataya at tiwala upang harapin ang isang imposibleng sitwasyon nang may kumpiyansa, ang Diyos ay tapat sa pagbibigay sa atin ng kasangkapan na kailangan natin upang mabuhay ng may katuparan at mapagpalang buhay.

“Kahit na ang mga kabataan ay napapagod at nanlulupaypay. Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh.   Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.” Isaias 40:30-31.

Ang paglalagay ng ating pag-asa sa Kanya ay nagbibigay sa atin ng daan sa isang walang limitasyong imbakan ng tulong upang tayo’y maging handa para sa anumang haharapin natin. Kapag tayo’y napalakas ng kapangyarihang mula sa itaas, mabubuhay tayo nang matagumpay!

Day 5Day 7

About this Plan

Mamuhay nang may Lakas at Tapang!

Hindi ka kailanman nag-iisa. Ikaw man ay 1 araw o 30 taon na sa iyong pananampalataya bilang Kristiyano, nananatili ang katotohanang ito para sa lahat ng maaaring ihamon ng buhay sa atin. Alamin kung paano yayakapin nang epektibo ang tulong ng Diyos sa gabay na ito. Hango sa librong, "Out of This World: A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt

More