Mamuhay nang may Lakas at Tapang!Sample
"Ang Kanyang Misyon ay Personal"
Mula sa simula ng paglikha, ang Banal na Espiritu ay naroroon na, na naninirahan sa kalagitnaan natin sa lahat ng mga henerasyon.
“Ang lupa ay walang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng tubig.” Genesis 1:2
Ngunit ang ministeryo ng Banal na Espiritu ay hindi naging personal at matalik sa bawat mananampalataya hangga’t hindi natapos ni Jesus ang Kanyang gawain sa krus. Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad bago Siya namatay na naroroon sa kalagitnaan nila ang Banal na Espiritu, ngunit hindi pa Siya nananahan sa nila.
“Siya ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat siya (ang Banal na Espiritu) ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya'y nasa inyo at siya'y mananatili sa inyo. Hindi ko kayo iiwang mga ulila; babalik ako sa inyo.” Juan 14:17-18
Ang pangako ni Jesus na aliw sa Kanyang mga alagad bago ang Kanyang kamatayan ay makakasama pa rin Niya sila sa espirituwal, sa pamamagitan ng presensiya ng Banal na Espiritu na nananahan sa kanilang buhay. Ang gawaing sinimulan ni Jesus ay nagpapatuloy sa ating buhay sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ginagamit ng Diyos ang Banal na Espiritu na nasa atin upang gawin ang apat na bagay:
1. Ginagawa Niya ang kaligtasan bilang isang personal na katotohanan.
2. Binibigyan ka Niya ng kapangyarihan upang mabuhay nang matagumpay.
3. Bumubuo Siya ng katangian ng Kristiyano upang matulungan kang lumago.
4. Ginagawa Niya ang lahat ng bagay na maging ikabubuti mo.
Scripture
About this Plan
Hindi ka kailanman nag-iisa. Ikaw man ay 1 araw o 30 taon na sa iyong pananampalataya bilang Kristiyano, nananatili ang katotohanang ito para sa lahat ng maaaring ihamon ng buhay sa atin. Alamin kung paano yayakapin nang epektibo ang tulong ng Diyos sa gabay na ito. Hango sa librong, "Out of This World: A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt
More