Mamuhay nang may Lakas at Tapang!Sample
"Embahador ng Langit - Ang Banal na Espiritu"
Ang embahador ay isang opisyal na kinatawan ng isang pamahalaan na ipinadala sa ibang lugar upang manirahan kasama ng mga mamamayan, upang makamit ang isang misyong pangkapayapaan at mabuting kalooban. Tinutupad niya ang kanyang mga tungkulin gamit ang awtoridad, kabutihang-loob at mga kayamanan ng pamahalaang kinakatawan niya. Sa lubos na tiwalang ipinagkaloob sa kanya, tinutupad niya ang kanyang layunin nang may dignidad at hanggang matapos ito.
Sa maraming paraan, ang misyon ng Banal na Espiritu ay kahawig ng isang embahador mula sa Langit. Kinakatawan ng Banal na Espiritu ang lahat ng awtoridad, kapangyarihan at kayamanan ng Diyos, at ipinapahayag at ipinapakita ang pag-ibig ng Diyos sa bawat tao sa mundo sa pamamagitan ng Kanyang presensya at ng Kanyang gawain.
Habang papalapit na ang hangganan ng oras ni Jesus sa Kanyang mga alagad, sinabi Niya sa kanila na hindi sila maiiwang mag-isa kapag wala na Siya. Sinalaysay Niya sa kanila ang Isang ipapadala na papalit sa Kanya at makakasama nila, upang gabayan sila, turuan sila, aliwin sila at pamunuan sila - ang Banal na Espiritu. Sinabi ni Jesus:
“Subalit sinasabi ko sa inyo ang katotohanan. Ang pag-alis ko'y sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang Patnubay (Banal na Espiritu) kung hindi ako aalis. Ngunit pag-alis ko, isusugo ko siya sa inyo.” Juan 16:7
Nang matapos ang gawain ni Jesus sa mundo, ipinadala Niya ang Banal na Espiritu bilang kapalit Niya at para samahan tayo hanggang sa Kanyang muling pagbabalik. Ang Banal na Espiritu ay nagbibigay ng gabay, pamumuno, aliw at payo sa ating buhay. Inilarawan ni Jesus ang Banal na Espiritu sa Kanyang mga alagad sa ganitong paraan:
“Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo na isusugo ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.” Juan 14:26
Ang presensya ng Diyos ay nasa atin ngayon sa anyo ng Banal na Espiritu, at aktibo Siyang gumagawa sa ating mundo at sa ating buhay.
Scripture
About this Plan
Hindi ka kailanman nag-iisa. Ikaw man ay 1 araw o 30 taon na sa iyong pananampalataya bilang Kristiyano, nananatili ang katotohanang ito para sa lahat ng maaaring ihamon ng buhay sa atin. Alamin kung paano yayakapin nang epektibo ang tulong ng Diyos sa gabay na ito. Hango sa librong, "Out of This World: A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt
More