YouVersion Logo
Search Icon

Mamuhay nang may Lakas at Tapang!Sample

Mamuhay nang may Lakas at Tapang!

DAY 1 OF 8

“Hindi Ka Kailanman Nag-iisa”

Madalas na sinasabi na ang buhay ay binubuo ng serye ng mga pag-angat at pagbaba, mga oras ng kasiyahan at pangako na nahaluan ng mga panahon ng hamon at pag-aalinlangan. Ang buhay ay hindi laging patungo sa tuktok; sa halip ito ay isang paglalakbay na binubuo ng mga burol at lambak. Ang lahat, ang mga mananampalataya at hindi mananampalataya ay magkakapareho na dumadaan sa mga pag-angat at pagbagsak ng buhay.

Ngunit bilang mga Kristiyano, mayroon tayong isang nakakamanghang pangako mula sa Diyos na hindi natin kailangang harapin ang mga lambak ng buhay nang mag-isa. Narito ang Kanyang mga nakakapagpatatag na salita sa atin:

“Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob.   Huwag kayong matakot sa kanila sapagkat sasamahan kayo ni Yahweh na inyong Diyos. Hindi niya kayo iiwan ni pababayaan man.” Deuteronomio 31:6 

Ang katotohanan ay kailangan natin ang presensya ng Diyos sa mga panahon man ng hamon at mga panahon ng tagumpay. Sa pagkabatid na kasama natin ang Diyos, mahaharap natin ang bawat hamon sa buhay bilang isang hakbang na tungo sa tagumpay sa halip na sa isang pagbagsak patungo sa kawalan ng pag-asa.

Walang matayog na bundok o sobrang babang lambak na hindi tayo sasalubungin ng Diyos. Anuman ang ating kalagayan, ang Diyos ay tapat, at lagi Siyang nandiyan para sa atin!

Day 2

About this Plan

Mamuhay nang may Lakas at Tapang!

Hindi ka kailanman nag-iisa. Ikaw man ay 1 araw o 30 taon na sa iyong pananampalataya bilang Kristiyano, nananatili ang katotohanang ito para sa lahat ng maaaring ihamon ng buhay sa atin. Alamin kung paano yayakapin nang epektibo ang tulong ng Diyos sa gabay na ito. Hango sa librong, "Out of This World: A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt

More