"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa
!["The Other Six" Devotional Series](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F994%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Pagbabasa ng Biblia // Ikalawang Bahagi: Ang Kapangyarihan ng Salita ng Diyos
Ang Salita ng Diyos ay tinatawag na tabak ng Banal na Espiritu– isang sandatang pansalakay. Kaya’t ginagamit natin ito upang labanan ang diablo, subalit paano nga ba ito inilalarawan? Ang Salita ng Diyos ay katotohanan, at ang ibig sabihin nito ay tumutulong itong ilantad ang mga kasinungalingan ng demonyo. Ang mga kasinungalingang ito ay parang pang-araw-araw na kaalaman at karunungan ng ating kultura, subalit madalas ay kamatayan ang kinakahantungan nila. Ang mga kasinungalingan, tulad ng pakikipagsiping sa isang tao bago pa sila ikasal ay hindi naman talaga malaking bagay at hindi siya makakaapekto sa atin, o kaya naman ay ang sinasabing ang mga tao ay likas naman talagang mabuti kaya nga lang kung minsan ay nagkakamali rin.
Kapag ang katotohanan ng Diyos ay nasa sa atin, maaari nating palaganapin ang katotohanang ito sa ibang tao, upang matulungan ang ating mga kaibigan at kapamilyang makalaya mula sa pandarayang nagpapanatili sa kanila sa pagkaalipin sa mismong mga bagay na nagkukunwaring nagbibigay sa kanila ng kalayaan.
Mga Praktikal na Hakbang: Magbantay ngayon para sa mga kaisipang pang-kultura at patungkol sa lipunan na hindi ayon sa Salita ng Diyos. Mag-isip ng mga paraan kung paanong ang Salita ng Diyos ay maaaring magamit upang ipaliwanag kung bakit ang mga kaisipang iyon ay talagang kasinungalingan upang tayo’y manatiling wasak at litung-lito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
!["The Other Six" Devotional Series](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F994%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.
More