"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa
!["The Other Six" Devotional Series](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F994%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Pagbabasa ng Biblia // Ikalawang Bahagi: Ang Kapangyarihan ng Salita ng Diyos
Napakasigasig ni Jeremias at muli siyang nabuhayan dahil sa mga salita ng Diyos na sinasabing 'kagalakan at kaluguran ng kanyang puso.’ Ganito ba ang reaksyong dala sa atin ng Salita ng Diyos? Kung hindi, ito ba ay dahil hindi pa talaga tayo nagkakaroon ng oras na pag-aralan ito? O baka naman dahil ayaw nating basahin ito sapagkat nararamdaman nating masama tayo dahil dito?
Sinasabi nilang ang Biblia ay madali naman talagang unawain, ngunit tayo bilang mga Cristiano ay tuso. Ginagawa natin itong kumplikado upang mabigyang-katwiran natin ang mga bagay na nais nating gawin nang hindi tayo nakakaramdam ng pagsisisi. Kung kahit kalahati man lang ng lakas na ginagamit natin upang mabigyang-katwiran ang ating kasalanan na inaalipin tayo ay magamit natin upang pagsikapang maunawaan ang Salita ng Diyos, maaaring maramdaman din natin ang naramdaman ni Jeremias patungkol sa Biblia!
Mga Praktikal na Hakbang: Ulitin ang taludtod na ito na parang ikaw si Jeremias na binabasa ang Salita ng Diyos simula ngayon, "O Diyos, ang Iyong salita ay kagalakan ko at kaluguran ng aking puso, sapagkat dala ko ang Iyong pangalan, Panginoon kong Diyos na Makapangyarihan."
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
!["The Other Six" Devotional Series](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F994%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.
More