"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa

Pansariling Panahon Kasama ang Diyos // Unang Bahagi: Pananalangin
Ito marahil ang pinakamahalagang bahagi ng paggugol ng panahon at pananalangin sa Diyos– ang pinakamabuting paraan upang harapin ang mga pakikibaka at kahirapan na ating pinagdaraanan ay ang balikan ang mga panahong dumating Siya para sa atin. Kaya nga maaari nating sabihin, ‘Dumating ka noon para sa akin, bakit hindi mo ito gagawin para sa akin ngayon?’ Ang ating panalangin ay hindi na masyadong tungkol sa pagtatanggal ng Panginoon sa mga bagay na nagbibigay sa atin ng kaligaligan at mga suliranin at sa halip ay nagiging pasasalamat ito sa Kanya dahil sa mga ginawa na Niya para sa atin.
Ang pagbabagong ito ng pananaw ay tumutulong sa atin upang ibalik natin ang paningin natin sa Diyos sa halip na lagi itong nakatuon sa ating suliranin. Habang patuloy tayong nakatingin sa ating suliranin ay lalo itong lumalaki, at habang tumitingin tayong patuloy sa Diyos, lalo nating napapagtanto na tunay ngang higit Siyang makapangyarihan!
Mga Praktikal na Hakbang: Gumugol ng ilang minuto at isulat ang mga bagay na ginawa ng Diyos para sa iyo at kung paanong dumating Siya para sa iyo sa mga nakalipas na panahon. Kung nahihirapan kang mag-isip ng mga bagay, sa lahat ng ating mga nakatala ay nararapat na naroon ang pagpapadala Niya sa Kanyang Anak upang hindi tayo makaranas ng walang hanggang pagkakalayo sa Kanya.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Pagbangon ng Kaligtasan

Isang Biblikal na Pananaw ukol sa Panlipunang Pagbabago

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Boteng Alabastro

Mahalaga ang Pamilya Muna

Ang Kaluwalhatian ng Hari

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Pagmamahal
