Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa

"The Other Six" Devotional Series

ARAW 18 NG 40

Pansariling Panahon na Kasama ang Diyos // Unang Bahagi: Pananalangin

Pansinin na hindi sinabi ritong BAKA pakinggan ng Diyos ang panalangin ng taong matuwid, o kung ang taong iyon ay mapalad ay baka bigyan siya ng gantimpala ng Diyos. Ipinapahayag nito na walang ibang kondisyon kundi ang panalangin ng isang matuwid na tao ay makapangyarihan at mabisa. Sa maraming ibang taludtod mula sa Banal na Kasulatan [i.e. Santiago 4:2], ipinapaliwanag ng Biblia na ang pinakaunang dahilan kung bakit wala pa ang kinakailangan natin ay hindi dahil ayaw ng Diyos na ibigay ito sa atin, kundi dahil lamang sa hindi tayo humihingi!

Ngayon, malinaw naman na batid ng Diyos kung ano ang ating kailangan kahit hindi natin ito hinihingi, ngunit batid Niya na may kapangyarihang nagmumula sa ating pagbibigay sa Kanya ng ating mga kahilingan. Makakatulong kapag tayo ay hihingi nang may katapangan ng loob at nakakatulong din sa atin kapag inaangkin na natin ang ating kahilingan. Inaalis niya tayo sa isang DI AKTIBONG pananaw ng pag-asa sa Diyos na gagawin Niya ang lahat para sa atin patungo sa isang AKTIBONG posisyon ng paghiling mula sa ating mabuting Diyos.

Mga Praktikal na Hakbang: Sa araw na ito, magkaroon ng kalakasan ng loob at hilingin sa Diyos ang mga pangangailangan mo.

Araw 17Araw 19

Tungkol sa Gabay na ito

"The Other Six" Devotional Series

Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.

More

We would like to thank Journey Church for providing this plan. For more information, please visit: http://JRNY.church