Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa

"The Other Six" Devotional Series

ARAW 12 NG 40

Pagbabasa ng Biblia // Ikalawang Bahagi: Ang Kapangyarihan ng Salita ng Diyos

Ang salita ng Diyos ay ang pang-araw-araw na pampaalab natin–kapag tunay nating nauunawaan kung gaano kadakila ang Diyos at kung gaano kagulo ang buhay natin, napagtatanto natin kung gaano kalaki ang pangangailangan natin na makuha ang pagsang-ayon ng Diyos, ang Kanyang tagubilin, at ang pagmamahal sa atin. Sa katunayan, lahat tayo ay nangangailangan ng pagsang-ayon ng Diyos, ngunit kung saan natin ito kukunin ay siyang magpapasiya kung ano ang magiging takbo ng ating buhay. Kapag nakuha natin ang pagsang-ayon na iyan mula sa ating mga relasyon, magiging napakasakit kapag ang taong ito ay binigo tayo (na lahat naman ng tao ay magagawa ito sa isang punto ng kanilang buhay).

Ngunit kung ang pagsang-ayon ay makukuha natin mula sa isang mabuting Diyos na tanging ang pag-ibig Niya sa atin ang nasa isip at ang gusto Niya ay ang pinakamabuti sa atin, hindi tayo kailanman mabibigo. Ang Diyos lamang ang tunay at buung-buo nating maaaring maasahan. May mas mabuti pa bang lugar kung saan natin makukuha ang ating katiwasayan at pagsang-ayon maliban sa tunay na Salita ng Diyos?

Mga Praktikal na Hakbang: Basahin ang mga taludtod at gumugol ng 5-10 minuto ngayong umaga upang isipin kung gaano kabuti ang Diyos.

Araw 11Araw 13

Tungkol sa Gabay na ito

"The Other Six" Devotional Series

Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.

More

We would like to thank Journey Church for providing this plan. For more information, please visit: http://JRNY.church