Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa

"The Other Six" Devotional Series

ARAW 10 NG 40

Pagbabasa ng Biblia // Ikalawang Bahagi: Ang Kapangyarihan ng Salita ng Diyos

Ang salita ng Diyos ay makapangyarihan– kung hindi mo ito papayagang ayusin ka, ito ang magiging, sa katapusan, kahatulang wawasak sa iyo. Ito ay hindi isang aklat na iwinawalang-bahala lamang– ito ay buhay at kamatayan. Ang paggugol ng oras kasama ang Diyos at ang pagsamba sa Kanya ay tumutulong sa atin upang maayos ang buhay natin sa halip na maghimagsik laban sa Diyos kapag iniharap sa atin ang kasalanan natin. Hindi ba iyan naman ang ginagawa natin kapag may nagsasabi sa ating mali tayo? Nakararanas tayo ng kapaitan at napapaniwala tayong nagkakamali ang taong iyon o hindi naman kaya ay nasisiraan na siya ng bait. Ngunit kapag binabasa nating ang salita ng Diyos, ito ay hindi nagkakamali.

Ang pagharap sa katotohanan ay maaaring maging mahirap sapagkat sa isang banda ay naroon ang tunay na kalayaan, habang sa kabila naman, ang pagtanggi rito ay pagtanggi natin sa katotohanan. Habang maaga pa ay tukuyin na ikaw ay maging matalino na piliing baguhin nito sa halip na mawasak nang dahil dito.

Mga Praktikal na Hakbang: Gumugol ng 15-20 minuto sa pakikinig ng mga musikang pagsamba at hilingin sa Diyos na panatilihin kang mapagpakumbaba habang patuloy ang iyong pagbabasa at unawain ang Kanyang salita sa kabuuan ng debosyonal na ito.

Banal na Kasulatan

Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

"The Other Six" Devotional Series

Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.

More

We would like to thank Journey Church for providing this plan. For more information, please visit: http://JRNY.church