Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Plano sa Pakikipaglabang EspirituwalHalimbawa

Spiritual Warfare Battle Plan

ARAW 5 NG 5

DAY 5: Pitong Paraan Para Palayasin ang Diyablo

Ipinangako ng Diyos sa atin na hahayaan Niyang matalo ang ating mga kalaban sa harap natin mismo. Pero maaaring makaharang tayo sa mga biyaya at mag-iwan ng lugar para ang kaaway ay tumayo sa harap natin sa halip na tumakas sa pitong hiwa-hiwalay na daan. Sa ganyang pag-iisip, narito ang pitong pamamaraan para palayasin ang diablo sa pitong paraan.

1. Masigasig na sundin ang boses ng Panginoon mong Diyos

2. Magsisi bago ka sumabak sa labanan

3. Tandaan mo na ang Diyos ay nasa panig mo

4. Makipagdigmaan sa posisyon ng tagumpay

5. Patuloy na magpuri

6. Dalhin ang iyong sandata

7. Manalangin parati at maging mapagmatyag

Ang pagdurog sa kapangyarihan ng walang katapusang problema ay kadalasang nangangailangan lamang ng mas mahusay na pagde-desisyon, pero kapag ito ay isang maka-demonyong siklo, kailangan mong kilalanin ang mga imahinasyon at maling pag-iisip na pinahihintulutan ang mga masasamang espiritu na magdala ng gulo sa iyong buhay. 

Magpatuloy ka, mandirigmang espirituwal, nang may pagpupuri sa iyong puso at panalangin sa iyong bibig, handa sa pakikipaglaban. Ang pakikipaglaban ay sa Panginoon, at ang diablo ay tatakas sa pitong watak-watak na daan. Wala siyang magagawa kapag isinuko mo ang iyong sarili sa Diyos at tinanggihan mo siya. Walang demonyo sa impiyerno ang mas lalakas pa sa pagnanais na naaayon sa Salita ng Diyos. Bumabaha ang pagpapala ng Diyos sa kaluluwang hinahanap muna ang kaharian ng Diyos at ang Kanyang katuwiran.

Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Spiritual Warfare Battle Plan

Sa pamamagitan ng mga makapangyarihang katuruang ito makakamtan mo ang mas malalim na pagkaunawa sa kung paano gumawa ng stratehiya upang mautakan at matalo ang kaaway at hadlangan ang plano niyang sirain ang buhay mo.  

More

Nais naming pasalamatan ang Charisma House sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bumisita sa: http://bit.ly/spiritualwarfarebattleplan