Plano sa Pakikipaglabang EspirituwalHalimbawa
DAY 3: Maling Damdamin ng Takot
Bata pa ako nang magsimulang tadtarin ng takot ang kaluluwa ko. Natatandaan ko nang malinaw na nakikita ko ang espiritu ng takot sa silid ko sa maraming gabi at pasigaw na tinatawag ko ang nanay ko. Nagpunta sa silid ko ang nanay ko na may dalang walis at hinabol ito palayo, inaakalang hatid lamang ito ng sobrang aktibong imahinasyon ko. Subalit parati itong bumabalik nang may paghihiganti.
Nang nasa sapat na gulang na ako, pagkatapos kong magdanas ng maraming traumatikong pangyayari, nangibabaw ang takot sa buhay ko. Ang maling damdamin ng takot ay hindi na pakiramdam lamang. Mayroon akong hukbo ng espiritu ng takot na nakaapekto sa lahat ng bahagi ng buhay ko at nagpakita sa iba-ibang paraan.
Takot ang iyong kaaway. Pangunahing sandata ito sa kamay ng kaaway na nilalabanan ang mga pangako ng Diyos sa ating buhay. Dumarating ang takot para pigilan ka sa pagsulong sa Diyos. Pero maaari kang lumaya mula sa kuta nito sa iyong isipan. Maaari kang mangibabaw sa iyong takot kung sinusubukan nitong bumangon laban sa iyong kaluluwa.
Ama, sa pangalan ni Jesus lumalapit ako sa Iyo na nagsisisi sa pagsuko sa mga pagkatakot. Sinasawata ko ang espiritu ng takot na nagnanais na linlangin ako, nakawin ang aking pananampalataya, kunin ang aking kapayaaan, at tadtarin ako ng pagkabahala, sa pangalan ni Cristo. Pinipili ko ang pananampalataya, pagtitiwala, at pag-ibig. Ang Panginoon lamang ang aking katatakutan at pagtitiwalaan, sa pangalan ni Cristo. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa pamamagitan ng mga makapangyarihang katuruang ito makakamtan mo ang mas malalim na pagkaunawa sa kung paano gumawa ng stratehiya upang mautakan at matalo ang kaaway at hadlangan ang plano niyang sirain ang buhay mo.
More