Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Plano sa Pakikipaglabang EspirituwalHalimbawa

Spiritual Warfare Battle Plan

ARAW 2 NG 5

ARAW 2: Ang Espiritu ni Jezebel

Ang espiritu ni Jezebel ay nagtatangkang mang-akit sa masama sa pamamagitan ng mga katuruan at propesiya. Ang espiritung ito ay umaakit sa mga mananampalataya tungo sa paglilingkod sa mga diyus-diyosan at pakikiapid. Ang espiritung ito ay maaaring gumamit ng pagkontrol at manipulasyon upang gawin ito, ngunit hindi pa iyon nagtatapos dito. Ang pinakalayon ni Jezebel sa'yo ay kamatayan. Kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, at dinadala ni Jezebel ang mga tao sa kasalanan.

Ang mga pastor—o sinuman, sa katunayan—na mahuhulog sa sekswal na kasalanan ay kabilang sa mga tropeo ni Jezebel. Kung ikaw ay may anumang ginagawa para sa Diyos, nais kang patahimikin ni Jezebel. Kung hindi ka niya mapapatahimik, tatangkain nitong dungisan ang iyong boses sa pamamagitan ng paghikayat sa iyong salaulain ang sarili mo sa pamamagitan ng pagpayag mo sa mga gawain nito.

Ang Jezebel ay hindi isang bagay na maaaring wasakin nang minsanan at ganap, ngunit maaari kang kumalas sa pakikipagkasundo rito at tanggihang payagan ito.

Ama, pinagsisisihan at tinatalikuran ko ang pagpayag sa Jezebel at humihingi ako ng kapatawaran, sa pangalan ni Jesus. Hinihiling kong pagalingin Mo ako sa anumang mga nakikita o hindi nakikitang hinanakit, mga sugat, sama ng loob, sakit, pagmamataas, hindi pagtanggap, kasuwailan, o iba pang pintong nakabukas na maaaring napasukan o mapasukan ng Jezebel sa aking buhay.

Binabali ko ang pangkukulam ni Jezebel, mga kapangyarihang nagkokontrol, mga katusuhan, mga pandaraya, mga sumpang sinasambit, mga nakakatakot na pananalakay, mga maling paratang, mga nadungisang bigkas na propesiya, mga paligoy na pang-aakit, mga panggagaway, intimidasyon, at iba pang gawain kabuktutan sa pangalan ni Jesus. Amen.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Spiritual Warfare Battle Plan

Sa pamamagitan ng mga makapangyarihang katuruang ito makakamtan mo ang mas malalim na pagkaunawa sa kung paano gumawa ng stratehiya upang mautakan at matalo ang kaaway at hadlangan ang plano niyang sirain ang buhay mo.  

More

Nais naming pasalamatan ang Charisma House sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bumisita sa: http://bit.ly/spiritualwarfarebattleplan