Plano sa Pakikipaglabang EspirituwalHalimbawa
DAY 4: Ang Bitag ng Kapaitan
Niluluto ako sa sarili kong mantika. Iniwan ako ng asawa ko sa isang bansang banyaga kasama ang dalawang taong anak at sandamakmak na utang para mabilis siyang makapagsimula ng panibagong buhay kasama ang babaeng kalahati lamang ang edad sa kanya. Galit na galit ako at nais maghiganti. Nagpupuyos ako-higit pa sa kapaitan-at hindi kailangan ng regalo sa pagtuklas ng mga espiritu para makita ito. Kinasuklaman ko siya, at galit ako sa Diyos.
Nakakamatay ang kapaitan. Sa paglipas ng panahon, dudungisan ng kapaitan ang ating mga espiritu at pahihinain ang ating kakayahang maramdamam ang presensya ng Diyos o marinig ang kanyang boses. Kung galit ka sa Diyos, maging tapat ka sa Kanya. Ibigay mo sa Kanya ang iyong galit, at gagawin Niya itong kapayapaan at mas dakilang pagpapahayag ng Kanyang dakilang kapangyarihan kung hahayaan mo Siya.
Panginoon, pinipili kong patawarin ang mga nanakit sa akin, umapi, sa akin, nagsamantala sa akin, walang tigil na gumamit sa akin, o nagkasala sa akin. Tulungan mo ako, Panginoon, na makita ang paraan ng kalaban para ibitag ako sa sama ng loob, kapaitan, at walang pagpapatawad. Tulungan mo akong hindi magtanim ng galit sa mga taong nagkasala sa akin. Turuan mo akong iwasang tumugon nang may mapang-husgang puso kapag nasasaktan ako. Pagalingin mo ang aking damdamin at panumbalikin ang tamang espiritu sa aking kalooban. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa pamamagitan ng mga makapangyarihang katuruang ito makakamtan mo ang mas malalim na pagkaunawa sa kung paano gumawa ng stratehiya upang mautakan at matalo ang kaaway at hadlangan ang plano niyang sirain ang buhay mo.
More