Plano sa Pakikipaglabang EspirituwalHalimbawa
ARAW 1: Ang Digma Laban sa Kasamaan
Noong maligtas ako, akala ko ang buhay ko'y magiging paglalakad sa baybayin ng mga tahimik na batisan at paghimlay sa mga luntiang pastulan. Hindi ko inakalang ang pagsunod kay Jesus bilang pinuno ng aking kaligtasan ay katumbas ng aking pagpapatala bilang kawal sa hukbo ng Diyos.
Natutunan ko mula noon na ang mga mananampalataya ay mga kawal at na si Jesus ay hindi naparito upang magdala ng kapayapaan kundi isang tabak. Natuklasan kong tayo'y siguradong magtatagumpay sa pamamagitan ni Cristo, na nagpapahiwatig ding may mga masasama at hindi nakikitang puwersang nagtatangkang bihagin ako.
Itanim ang katotohanang ito sa iyong isipan: Ang kaaway ay dumarating upang magnakaw, pumatay, at manira. Ang bawat demonyo ay may iisang misyon. Kung paano nila ginagawa—ang kanilang mga taktika at stratehiya—ay iba-iba. Ang espiritu ng kahinaan ng loob, halimbawa, ay sumasalakay sa iyong pananampalataya habang ang espiritu ng takot na matanggihan ay sumasalakay sa iyong pagkakakilanlan sa iyong sarili. Si Satanas ay may stratehiya. Ang hukbo niya ay lubos na organisado, at nagpapadala siya ng mga partikular na espiritu laban sa mga mananampalataya upang madiskaril sila mula sa kanilang layunin sa kaharian.
Ang panalangin ko'y mapasaiyo ang karunungan upang matukoy ang mga espiritu kontra sa iyong buhay—at sa mga buhay ng iyong mga mahal sa buhay—at mapagyaman ang mga kasanayang espirituwal upang makalaban. Ang mabihag sa espirituwal ay mahahayag sa maraming paraan, ngunit ang mabuting balita ay na maaaring mapasaatin ang tagumpay. Sa paglalakad sa awtoridad na bigay sa atin ng Diyos, epektibo tayong makakalaban at magtatagumpay sa digmaan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa pamamagitan ng mga makapangyarihang katuruang ito makakamtan mo ang mas malalim na pagkaunawa sa kung paano gumawa ng stratehiya upang mautakan at matalo ang kaaway at hadlangan ang plano niyang sirain ang buhay mo.
More