Fruit of the SpiritHalimbawa

Gentle at meek: ikaw ba ito? 😇
Alam mo ba na ang isang description na ibinigay ni Lord about sa sarili Niya in the Bible, ay para Siyang isang lamb? Dahil hindi common sa Pilipinas ang tupa—mas nakikita natin ang mga baka, kambing, kalabaw—baka mahirap sa atin isipin kung ano ang ibig Niyang sabihin.
Meron ditong part of a poem written by William Blake na maaaring magbigay ng ideya sa atin:
Little Lamb…
He is called by [your] name
For he calls himself a Lamb:
He is meek and he is mild,
He became a little child:
Nakikita mo ba kung ano pala ang character ng isang lamb? “Meek,” o maamo, at “mild” daw ito.” At sa later descriptions ng pagpunta ni Jesus sa cross, sinabi pang para Siyang “lamb led to the slaughter,” (Isaias 53:7 ASND) dahil ang tupa daw, kahit na dinadala na sa katayan para patayin, hindi pa rin umiimik, compared sa kambing na umiiyak at sumisigaw.
Ikaw ba, maamo at malumanay ka ba? Kung hindi, OK lang. Hindi madali ang maging maamo. Usually, this meekness or gentleness is developed through years of practice and training. For example, kapag may nagawang masama ang isang tao sa atin, maaari nating sanayin ang huwag maghiganti; this is one of the ways to develop meekness in our lives.
The same goes for being gentle. May mga taong ganoon talaga ang personality, at may iba namang kailangan pang sanayin ito. Makakatulong ang pag-meditate natin sa pagiging maamo at malumanay ni Jesus. Maaari mong dasalin ito, “Lord, I want to see in what ways you are meek and gentle. Turuan Mo ako. Amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Fruit of the Spirit
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day