Fruit of the SpiritHalimbawa

Looking for happiness? 🤩
Anong bagay ba ang nagpapasaya sa iyo? Masarap na pagkain? Magandang pelikula? Bonding time with friends? New gadget?
Iba’t-iba ang mga bagay na nagpapasaya sa bawat tao. The problem is, kapag naka-depende ang kaligayahan natin sa mga external things na ito, malamang madaling magbago ang mood natin. Maaari natin tawagin itong “circumstantial happiness,” kung saan ang kaligayahan natin ay dependent on external circumstances. And maybe you can see how flimsy this is. For example, kung nagiging masaya ka kapag may bagong gadget, ano ang mararamdaman mo kapag nasira o nawala ito?
The good news is, as our relationship with the Lord grows, we can experience joy that’s not dependent on external circumstances. Ito daw ang main difference of happiness and joy: ang happiness ay puwedeng ma-impluwensiyahan ng panlabas na aspeto, pero ang joy ay maaaring nasa puso natin kahit na hindi maganda ang nangyayari sa paligid.
Basahin natin itong verse:
At huwag kayong mabalisa, dahil ang kagalakang ibinigay ng Panginoon ay magpapatatag sa inyo. (Nehemias 8:10 ASND)
Nakikita mo ba? Kahit ano pa ang nangyayari sa paligid, may kagalakang ibinibigay si Lord na maaaring magpapatatag sa iyo.
May mahirap bang nangyayari sa buhay mo ngayon? Maybe you feel it’s impossible to be happy right now. Understandable naman iyan, kapag hindi maganda ang nangyayari. Pero ito ang challenge namin sa iyo ngayon: pray that you may feel the joy of the Lord, even in the midst of possibly difficult circumstances. Puwede mong dasalin ito, “Lord, gusto kong maranasan ang joy Mo na magpapatatag sa akin. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Fruit of the Spirit
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day