Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Fruit of the SpiritHalimbawa

Fruit of the Spirit

ARAW 3 NG 7

At peace ka ba? ☺️

Can we ask a question? In all honesty, masasabi mo ba na at peace ka ngayon?

Nahirapan ka bang sumagot ng yes? OK lang kung ganun. For most of us, hindi tayo laging nakakaramdam ng kapayapaan. Malamang dahil may mga problema, o may mga nangyayari sa school, career, or relationships natin, kahit na hindi naman outright conflict, parang may kailangan pang ayusin. This can cause us to feel anxious, scared or worried.

The good news is, even though everything isn't perfect, gusto ni Lord bigyan ka ng kapayapaan. Sabi daw, ang totoong kapayapaan ay hindi yung absence of problems or worries, but the feeling that no matter what is happening around you, stable ka pa rin.

Let’s read this promise of Jesus in the Bible:

Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan ko sa inyo ang kapayapaan. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. (Juan 14:27 ASND)

Nakikita mo ba? Hindi sinasabi ni Jesus na walang bagabag o walang takot; kundi, may sagot Siya sa mga mahihirap na pakiramdam na ito. At ang mabuting balita pa, ang kapayapaan daw na ibibigay Niya sa atin ay hindi katulad ng kapayapaan na ibinibigay ng mundo. Ibig sabihin, hindi ito mawawala dahil sa mga nangyayari sa mundo.

Gusto mo rin bang maranasan ang kapayapaan na ito that Jesus promises? Here’s our challenge for you: kumuha ng papel o notebook. Isulat ang lahat ng gumugulo sa isipan mo as a prayer and let go of these things to Jesus. Then, say this with me, “Lord, please give me peace kahit na may nanggugulo sa isipan ko. In Jesus’ name, amen.”

Isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Fruit of the Spirit

7-day Reading Plan Patungkol sa Fruit of the Spirit

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day