Gusto Ka Ni JesusHalimbawa
Ano kaya ang nasa puso ng Diyos?
Ano kayang mga bagay ang nasa puso ni Lord? Malamang iniisip natin ang pagkakawang-gawa at mga matataas na ideal. Dahil Diyos Siya, akala natin nag-aalala lamang Siya tungkol sa mga global issues.
Pero alam mo ba kung ano ang isang bagay kung saan tumitibok ang Kanyang puso? According sa Bible, may isang bagay palang napag-angkla sa puso ng dakilang Diyos: ikaw.
O irog ko na aking magiging kabiyak, sa isang sulyap mo lamang at sa pang-akit ng iyong kwintas na napapalamutian ng iisang bato ay nabihag mo na ang aking puso. Ang pag-ibig mo aking irog ay walang kasingtamis. O aking magiging kabiyak, higit pa ito kaysa sa masarap na inumin. Ang samyo ng iyong pabangoʼy mas mabango kaysa sa lahat ng pabango. (Awit ni Solomon 4:9-10 ASND)
Ang dahilan kung bakit pumunta si Jesus sa lupa at ibinigay ang Kanyang buhay ay hindi dahil sa isang impersonal na listahan ng mga tao—para sa bawat isa sa atin—kundi para sa iyo! Ma-imagine mo ba ito? Ikaw, kasama ang lahat ng iyong imperpeksyon, kahinaan, at batang pagmamahal. Kapag tinitingnan ka ng Diyos, sinasabi Niya na ikaw ang nakapag-angkla ng Kanyang puso! Sa New King James version, “You have ravished my heart.” Grabe, talagang extreme na emosyon!
At higit pa riyan, ang pagmamahal mo sa Kanya, kahit mahina, ay mas mahalaga pa sa Kanya kaysa sa kahit anong bagay! Isang sulyap ng iyong mga mata ay nagpapalakas sa Kanya, at ang pagmamahal mo ay mas masarap pa kaysa sa alak, na sinasabi sa Biblia ay “nagpapaligaya ng puso.” Wow, ibig sabihin, ang pagmamahal mo sa Kanya ang nagpapaligaya sa Kanyang puso higit pa sa anumang bagay!
Hindi ka kailanman walang halaga, dahil ikaw ang nakapag-angkla ng puso ng Hari ng mga hari.
Isa kang miracle!
Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day. Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
7-day Reading Plan Patungkol sa Gusto ka ni Jesus
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day