Gusto Ka Ni JesusHalimbawa
Tama ba ang suot mo?
Nakapunta ka na ba sa isang party kung saan naramdaman mong underdressed ka? Naisip mo bang sana hindi ka makita ng mga kilala mo, na parang gusto mo nang magtago sa isang sulok? Talagang hindi masaya ang magdamit ng hindi tama, ‘di ba?
May analogy sa kaharian ng Diyos related sa pananamit. Sabi sa Bible, nang mamatay si Jesus sa krus sa lugar mo, Siya mismo ang nagbihis sa iyo ng Kanyang sariling katuwiran. Ibig sabihin, kapag tinitingnan ka ng Diyos, suot mo ang Kanyang sariling kagandahan at kabanalan. Ang pagsusuot nitong robe of righteousness ay nangangahulugang ikaw ay ganap at malugod na tinatanggap sa Kanyang presensya.
Ito ang nangyari sa kuwento ng nawawalang anak. Nang umuwi siya, gutom at inihahanda ang kanyang script para mag-sorry sa kanyang ama, anong ginawa ng ama? “…Malayo pa ay natanaw na siya ng kanyang ama at naawa ito sa kanya, kaya patakbo siya nitong sinalubong, niyakap at hinalikan. (Luke 15:20 ASND)”
At parang hindi pa sapat iyon, nang magsimula ang anak na sabihin ang kanyang inihandang speech na hindi siya karapat-dapat tawaging anak, pinutol siya ng ama. Agad na tinawag nito ang mga alipin upang bihisan siya ng pinakamagandang damit. Pinapakita niya rito na tinatawag pa rin siyang ‘anak’ ng kanyang ama. Tingnan natin ang Bible verse na ito:
Pero tinawag ng ama ang mga utusan niya, ‘Madali! Dalhin nʼyo rito ang pinakamagandang damit at bihisan siya. Lagyan ninyo ng singsing ang daliri niya at suotan ninyo ng sandalyas ang mga paa niya. (Lucas 15:22 ASND)
Naririnig mo ba ang iyong Ama sa langit? Ipinagmamalaki Ka Niya at ang suot mong robe of righteousness. At hindi lang basta simpleng outfit iyan: Binayaran Niya ito ng dugo ng Kanyang sariling Anak, at walang makakapag-agaw nito sa iyo!
Isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
7-day Reading Plan Patungkol sa Gusto ka ni Jesus
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day