Gusto Ka Ni JesusHalimbawa
May gusto ba sa iyo?
Minsan ba nakaka-feel kang parang walang may gusto sa iyo? In fact, baka ikaw mismo, hindi mo gusto ang sarili mo. Maaaring dahil ito sa mga bagay na nagawa o hindi mo nagawa. In any case, parang may boses na nagsasabing, “you’re not good enough.”
Siguro, alam mo namang love ka ni God, dahil namatay Siya for you, pero ngayong anak ka na Niya, feeling mo, isa kang disappointment sa Kanya. Sa isip mo, magugustuhan lang at ma-e-enjoy ka Niya kapag naabot mo ang certain level ng “spiritual maturity.”
Nakakita ka ba ng mga magulang na nagbabantay sa kanilang toddler na nagsisimula pa lang matutong maglakad? Kapag nadapa ang bata, mabilis bang lumalapit ang mga magulang upang pagalitan ito? Nagagalit ba sila sa kanyang “failure”? Hindi, di ba? Nakikita natin ang mga nanay at tatay na napaka-tender magsalita sa anak, kahit na nasa “terrible-twos” stage ang mga ito!
Pero, sa isip natin, mas istrikto ang Ama natin sa langit, baka dahil alam nating mas mataas ang standards Niya. Oo nga naman, mataas nga, pero yun nga ang dahilan kung bakit kailangang si Jesus ang kumuha ng lahat ng ating kasalanan sa cross. Ngayon, dahil sa cross, makikita nating bayad na ang lahat ng ating failures.
Parang sa nangyari kay Peter noong nakita niyang naglalakad si Jesus sa tubig. Tinawag siya ni Jesus at nakaya niya ring maglakad, pero ito ang nangyari:
Pero nang mapansin niyang malakas ang hangin, natakot siya at unti-unting lumubog. Kaya sumigaw siya, “Panginoon, iligtas nʼyo ako!” Agad naman siyang inabot ni Jesus at sinabi, “Kay liit ng pananampalataya mo. Bakit ka nag-alinlangan? (Mateo 14:30-31 ASND)
Naririnig mo ba ang mabait na boses ni Jesus habang sinasabi ito? Kahit pala in our weakness, tutulungan tayo ni Jesus at ini-enjoy Niya tayo!
Isa kang miracle!
Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
7-day Reading Plan Patungkol sa Gusto ka ni Jesus
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day