Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Gusto Ka Ni JesusHalimbawa

Gusto Ka Ni Jesus

ARAW 4 NG 7

Kailan ba ang last time na may natuwa sa iyo?

Kailan ba ang last time na alam mong may taong natuwa sa iyo? Paano ba nila ipinapakita ito? Usually, mababasa natin sa ngiti sa kanilang mga mukha tuwing magkikita tayo, o di kaya ini-express ito minsan sa pamamagitan ng mga appreciative words, hug or beso-beso. How about, kailan ang last time na may umawit dahil sa labis na tuwa na makita ka? Meron ba?

Bakit namin naitanong ito? Dahil ang verse na titingnan natin ngayong araw ay maaaring maging surprising sa iyo. Alam mo bang ang Panginoon ay umaawit ng may kagalakan dahil sa iyo? Tingnan natin itong nakasulat sa Biblia:

Sapagkat kasama ninyo ang PANGINOON na inyong Dios. Katulad siya ng isang makapangyarihang sundalo na magliligtas sa inyo. Magagalak siya sa inyo, at sa pamamagitan ng kanyang pag-ibig ay babaguhin niya ang inyong buhay. Aawit siya nang may kagalakan dahil sa inyo (Zefanias 3:17 ASND)

Ang salitang “kagalakan" na ginamit sa original na Hebreo ay higit pa sa isang simpleng kaligayahan. Ang ibig sabihin nito ay nag-uumapaw ang saya, at may kasamang ideya ng pagsayaw, na parang paikot-ikot na gaya ng isang trumpo!

Can you imagine na ang Dakilang Diyos na ito ay sumasayaw at kumakanta para sa’yo?

May kuwento sa Bible kung saan sumayaw ang haring David sa harap ng ark of the convenant, ang symbol of God’s presence, nang buong lakas niya. Na-iskandalo pa nga ang asawa niyang si Michal, na sinabing pinahiya niya ang sarili sa pagsasayaw na iyon. Iyon ay isang larawan ng kaligayahang nararamdaman ng Diyos tuwing tinitingnan ka Niya. At ang lahat ng mga love songs na naririnig natin sa radyo, ay mga maliliit na larawan lang—sobrang liit—ng pagmamahal Niya!

Nakakamangha, di ba? Naririnig mo ba Siya, kumakanta para sa’yo?

Isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Gusto Ka Ni Jesus

7-day Reading Plan Patungkol sa Gusto ka ni Jesus

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day