Gusto Ka Ni JesusHalimbawa
Mas gusto ba Niya tayo when we do “spiritual” things?
Sa tingin mo ba, may pagkakaiba ang feeling ni God towards sa atin kapag gumagawa tayo ng mga “spiritual” things? For example, feeling mo ba, mas gusto ka Niya kapag nagdarasal ka, nagsisimba, o nagbabasa ng Bible?
Alam mo bang ang puso ni Lord ay tumitibok para sa iyo? Kahit na hindi ka nagwo-worship sa Kanya sa panahong ito, gusto Ka pa rin Niya. Dahil ito sa katotohanan na hindi naka-depende sa actions mo ang kanyang pagmamahal, kundi naka-depend ito sa character Niya. Isipin mo ang mga magulang na nakatingin lang sa natutulog nilang sanggol. Kahit walang ginagawa ang baby, mararamdaman mong mahal na mahal nila ito.
Ano kaya ang emotions ni God towards you? Tingnan natin itong verse sa Bible:
Siya na lumikha sa iyo ay magpapakasal sa iyo na parang isang binata na ikakasal sa isang birhen. At kung papaanong ang nobyo ay nagagalak sa kanyang nobya, ang iyong Dios ay nagagalak din sa iyo. (Isaias 62:5 ASND)
Nakikita mo ba? Nagagalak pala si Lord sa atin na parang isang nobyong nagagalak sa kanyang nobya. Ang tindi ng description ano?
At ang good news pa, hindi lang ito nangyayari ng isang beses. Ang Panginoon natin ay hindi nagbabago, ganoon pa rin Siya kahapon, ngayon, at bukas. Kaya puwede tayong maging sure na ang pag-e-enjoy Niya sa atin ay constant din, na tulad ng constant power ng cross nang ibinigay Niya ang buhay Niya para sa atin.
Sa totoo lang, ang hindi constant ay ang ating awareness ng pag-e-enjoy Niya. Kaya ngayon, ito ang challenge namin sa Iyo. Sabihin mo ito aloud, “Ini-enjoy ako ni God.”
Isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
7-day Reading Plan Patungkol sa Gusto ka ni Jesus
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day