PaghihintayHalimbawa
Ano ba ang ini-expect mo kay Lord?
Mag-usap tayo: ano ba ang mga ini-expect mo kay Lord? Marunong ka bang mag-expect ng good things galing sa Kanya, or nasanay ka bang ang tingin mo sa Kanya ay someone na malayo na nagbabantay lang para bigyan ka ng punishment?
Recently, may nakausap akong friend na nalulungkot dahil may nagawa siyang kasalanan. Ang akala niya, kapag may kasalanan siya, ang buong week nya ay magiging puno na ng “punishment” ni Lord. Sa mga past times daw na nagkasala siya, may mga nangyari nga, like nagkasakit siya, may nawala siyang gamit, o may nakaaway sa opisina. Tinulungan siya ng isa pa naming friend na tingnan ang belief na ito ng mabuti. Sa huli, nakita niya na ang mga pangyayaring ito, like ang pagkakasakit, ay hindi based sa performance niya, kundi nangyayari talaga whether or not mayroon siyang nagawa mali.
Sa mga seasons of waiting, posibleng nag-e-expect tayo ng mabuti kay Lord, o baka ini-expect natin na ang ibibigay Niya ay hindi makukubuti sa atin.
Pero tingnan natin ang verse na ito:
Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya. (Mateo 7:11 ASND)
Nakikita mo ba? Si God pala ay nagbibigay ng good gifts at better pa sa earthly fathers natin.
Let’s try today na magsulat ng 3 good things na naibigay ni God sa atin. Puwede mong isulat sa journal o sa cellphone. Then, magpasalamat tayo kay God para sa mga ito.
At tamang-tama, while may hinihintay tayo, let us be reminded na binigyan Niya tayo ng best Gift, noong first Christmas, which is ang Anak Niyang si Jesus. (Pag-usapan natin ito sa next series, Meaning ng Christmas.)
Isa kang miracle!
Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day. Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
7-day Reading Plan Patungkol sa Paghihintay
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day