PaghihintayHalimbawa
Sino ang gusto mong makasama this Christmas?
Ang Christmas time, especially dito sa atin, ay laging puno ng mga gatherings, both sa family at friends, like mga reunions at Christmas parties. Ikaw ba, sinu-sino ba ang mga gusto mong makasama this Christmas? May mga family members o friends ka bang hindi masyadong nakikita the rest of the year, na kapag Christmas time ay nakakapag-reconnect kayo? Masayang isipin di ba, ang magkita-kita tayong muli?
Pero alam naming para sa iba sa atin, mahirap sagutin ang question na ito, especially if may loved one kang malayo this Christmas. (Parang sa song ni Jose Mari Chan, ano? “My idea of a perfect Christmas is to spend it with you.”) At ang distance na ito ay puwedeng physical, kung ang taong mahal natin ay nasa abroad, or puwede rin itong maging emotional, like kung may conflict na gusto nating i-resolve. Kung ganito ang situation mo ngayon, we’re sending you a virtual hug!
Alam mo ba na ang isang pangalan ni Jesus sa Christmas ay “Immanuel,” na ang meaning ay “God with us”? Kung may hinihintay ka man ngayon, o may dinadalang mahirap, alam mong kasama mo si Jesus. Huwag mawalan ng pag-asa. Ito ang passage na gusto naming i-share sa iyo today:
Pero para sa akin, magtitiwala ako sa PANGINOON na aking Dios. Maghihintay ako sa kanya na magliligtas sa akin, at tiyak na ako ay kanyang diringgin. (Micas 7:7 ASND)
Ito ang challenge namin sa iyo today: i-practice nating dasalin ang nababasa natin sa Bible. For example, galing sa verse na ito, puwede nating sabihin kay Jesus: “Lord, magtitiwala ako sa Iyo. Maghihintay ako sa Iyo na magliligtas sa akin, at tiyak na ako ay iyong diringgin.”
Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
7-day Reading Plan Patungkol sa Paghihintay
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day