Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

PaghihintayHalimbawa

Paghihintay

ARAW 3 NG 7

Ano ang wishlist mo ngayong Christmas?

Alam kong too old na tayo para mag-isip ng Christmas list kay Santa Claus, pero mayroon ka bang wishlist this Christmas? Anu-ano ba ang nasa wishlist mo? Baka may kailangan kang item, like cellphone, tablet, or laptop; o baka medyo malaki ang kailangan mo, like pambayad ng tuition fee o ng utang, or trabaho. Maaari ding hindi tangible ang wishlist mo this Christmas, like na makauwi ang loved one from abroad, o may relationship na gusto mong ma-reconcile.

Minsan, mahirap maghintay sa mga bagay-bagay, especially if may fear tayong hindi ito darating. Minsan, mahirap kapag nawawalan na tayo ng pag-asa, hindi ba?

Ngayong papalapit na ang Christmas, may ibang waiting ding nangyayari: ang paghihintay sa birth kay Jesus, na sini-celebrate natin tuwing Pasko. Alam mo ba, sa year na ipinanganak si Jesus, naghihintay ang mga Israelites sa promised Savior nang hindi nila alam kung kailan mangyayari iyon? Year after year, nire-remind lang nila ang isa’t-isa na may pangako si God na magpapadala ng magre-rescue sa kanila.

Mahirap nga maghintay, pero may beauty din pala sa waiting, especially kung nagagamit natin ang time na ito para mas makilala pa si God. Tingnan natin ang Bible verse na ito:

Magtiwala kayo sa PANGINOON! Magpakatatag kayo at huwag mawalan ng pag-asa. Magtiwala lamang kayo sa PANGINOON! (Salmo 27:14 ASND)

Kung may hinihintay ka ngayong Christmas season, puwede nating i-pray ito: “Lord, hinihintay ko ang __________. Kahit mahirap maghintay, pinipili kong magtiwala sa Iyo. Tulungan Mo akong magpakatatag sa Iyo at huwag mawalan ng pag-asa. Turuan Mo akong magtiwala lamang sa Iyo.”

Tandaan mo, isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Paghihintay

7-day Reading Plan Patungkol sa Paghihintay

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day