PaghihintayHalimbawa
May disappointment ka ba?
Kailan ka ba last na-disappoint? Ano ang nangyari? Ano ba ang usual mong ginagawa kapag disappointed ka? Nagagalit ka ba? Umaatras at nawawalan ng gana? Naninisi ng ibang tao?
Iba-iba ang ating reaction sa disappointment. Isa ito sa mga mahirap i-handle na emotions. For us, kapag na-disappoint kami, may tendency na kami ay magalit din. Dahil pareho kaming dalawang na achievers, mas mahirap ata sa amin mag-cope kapag na-disappoint namin ang sarili.
Sa Bible, si Peter (Pedro) ay isa sa mga friends ni Jesus na bumigo sa Kanya. Pero in reality, alam na ni Jesus na magfe-fail si Peter; sinabi pa nga Niya ito kay Peter bago pa ito mangyari. Tingnan natin ito:
Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Kahit iwanan kayo ng lahat, hinding-hindi ko po kayo iiwan.” Sinagot siya ni Jesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, bago tumilaok ang manok ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.” (Mateo 26:33-34 ASND)
Ano ba ang nangyari? Naganap nga ang sinabi ni Jesus. Nang hulihin Siya ng mga sundalo sa gabing iyon, at may nagtanong kay Peter kung kilala niya si Jesus, masigasig niyang sinabing hindi.
Dahil alam ni Jesus na gagawin niya ito, na-disappoint kaya Siya? Pero si Peter mismo ay sobrang na-disappoint sa sarili, at sinabing “lumabas si Pedro at humagulgol. (Mateo 26:75 ASND)”
Paano natin idi-deal ang mga ganitong disappointment? Hopefully, makaka-encourage sa iyo ang promise ni Lord na ito:
Mabuti ang PANGINOON sa mga nagtitiwalaʼt umaasa sa kanya. Mabuting matiyagang maghintay sa pagliligtas ng PANGINOON. (Panaghoy 3:25-26 ASND).
Kapag may disappointment ka, i-practice mo ito: ang umasa sa kabutihan ni Lord. Maaari mong i-pray: Lord, disappointed ako, pero gusto kong umasa at magtiwala sa Iyo. Help me, please. Amen.
Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
7-day Reading Plan Patungkol sa Paghihintay
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day